Revi's POV:
I can't believe it. Parang nung nakaraang araw lang ay magkakasama kami sa Baguio. Tapos ngayon, new year. I've always been so excited about this event, but not today ― not tonight. Ewan ko kung bakit. Basta feeling ko, hindi magiging maganda ang simula ng taon ko.
Nakausap ko na kanina si Erin at si Hera at nagbatian na kami ng Happy New Year sa isa't isa kahit 11pm pa lang. Alam kasi naming mamaya ay pahirapan nang magsend ng message at pabagalan na ng net.
Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko at nakatingin sa labas ng bintana habang pinapanuod ang fireworks. Hindi ko alam kung sinong mayaman ba ang nagpapaputok at ang gaganda ata ng fireworks na nakikita ko kanina pa. Kanina ko pa sana gustong bumaba, but I'd rather not. I'd like to to save myself from awkward situations kahit ngayon lang naman.
Hindi pa rin kasi kami okay ni Kuya at kahit na nalulungkot na si Mama ay wala pa rin akong balak makipagbati. Ewan ko, hindi lang kasi ako yung tipo ng tao na pipilitin ang sariling makipag-ayos kahit alam ko naman na para sakin, hindi pa okay. Gusto ko kapag nakipagbati na ko sakanya, okay na. Napatawad ko na siya. Para hindi ako ngingiti sakanya at makikipag-usap na parang okay lang ang lahat kahit hindi pa naman talaga. And sad to say, wala pa ako dun.
Napatingin ako sa ibabaw ng computer table ko kung saan nakapatong ang phone ko. Napansin ko kasing umiilaw yun, nakita ko sa screen ang pangalan ni Yñigo.
Bigla ko na namang naramdaman yung mga lubid sa tiyan ko na parang naghihigpitan at bumibilis ang tibok ng puso ko. I never thought that these shits were real. I used to read about that things that happened to a girl once it hits her and watched it on some cheesy romantic films but having it experienced by yourself can be pretty awkward and ― confusing. Sometimes.
Dinampot ko yun at sinagot. Pero hindi ako nagsalita.
"Hello?" Bumuntong hininga lang ako. "Bakit ayaw mong magsalita? Pipi ka ba?"
Napakunot ang noo ko. Ito talagang isang 'to, magbabagong taon na, bwiset pa rin!
"Bakit ka tumatawag? Close ba kita?"
"Open tayo. Gawa mo diyan?" Ewan ko kung bakit kahit hindi naman niya nakita ay umirap ako. Ang korni kasi!
"Nagbibilang ng alikabok. Ikaw?" Sinubukan kong magpakasweet ang boses para naman malaman niyang punong-puno ng sarcasm yun.
"Joke ba yun?"
"Ano sa tingin mo?"
"Sa tingin ko ang korni nun."
"Gusto mong masurprise?"
"Masu-surprise lang ako kapag narinig ko na yung matamis mong oo."
Saglit akong natigilan. Nakakainis talaga! Kailangan bang kapag nagaasaran kami ay bigla siyang babanat ng ganyan?
"Sa tingin ko mas masu-surprise ka pag nalaman mong wala akong pake!" Sabi ko at narinig ko ang pagtawag niya. "Tsaka, please lang ah? Matamis kong oo? Like, duh? Umaasa ka pa?"
"Namiss ko na yang kaartehan mo."
"Thanks, I miss myself too!" I grinned. Well, kahit nakakainis siyang kausap at least napapangiti niya pa rin ako.
Ayoko mang aminin pero parang mas gusto ko na ngayong mag-stay sa school kesa sa bahay. Masyado kasi akong naiilang kapag nakikita ko si Kuya. Tapos yung tingin pa ni Mama sakin sa tuwing nakikita ako na para bang laging nakikiusap na ako na ang makipagbati kay Kuya! Ayoko talaga ng ganun.
"Kumain ka na ba o nagmumukmok ka na naman diyan sa kwarto mo?"
"Paano mo nalaman?"
"Kasi bukas yung ilaw mo?"