Chapter 35

268 14 0
                                    

Chapter 35:

Revi's POV:

Akala ko nawala na siya from the other line kaya hindi na siya nagsalita. Kinabahan ako ng todo nang maisip ko na baka hindi niya gusto yung narinig niya. Should I just take it back? Mali ba na sinabi ko na yung feelings ko?

"A-ano ulit?"

Halos malaglag ang puso ko sa gulat nang may magsalita ulit. Ako naman ang hindi nakapagsalita. Bigla akong nakaramdam ng takot, baka kapag inulit ko hindi niya na magustuhan ... anong sasabihin ko?

"Nathalie, ano ulit yung sinabi mo?"

"H-ha?" I bit my thumb, thinking of what should I say ... "Wala akong sinabi. Meron ba?"

Napasinghot pa ko, sinipon na tuloy ako sa pagiging emotional ko. Tumayo ako sa kama ko at nagpaikot-ikot sa kwarto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko malalaglag siya o tatalon palabas ng dibdib ko.

"Sinabi mong mahal mo ko di ba? Hindi ako nananaginip? Narinig ko! Wag kang magdeny!" Napakagat ako sa labi ko at pinipigilan na mapangiti. God, I'm glad he didn't want me to take it back. Rinig ko sa boses niya yung saya. Palagi kasing mababa ang boses niya na seryoso. Hindi ko pa siya narinig na ganito kalakas ang boses. "Sabihin mo ulit ― wait. Hindi! Gusto kong marinig ng personal. I'm going there."

"What?" The next thing I've heard is the beeping tone of the line that went dead. "Hello?! Yñigo?!" Tiningnan ko yung phone ko.

What the? Did he just drop the call?Mas lalo akong kinabahan. Ang daming scenario ang pumasok sa isip ko.

Paano kapag naabutan siya ng mga kuya ko sa labas?

Paano kapag nalaman ni Papa at Mama?

Paano ko siya haharapin? Ang awkward! Kakasabi ko lang ng feelings ko sakanya! Ughhhh!

Nakakainis naman kasi siya! Bakit ang bilis niya magreact?!

"What the ―" muntik ko nang mabitawan ang phone ko. I clutched my chest, trying to keep my heart calm. "Aish! Nakakainis talaga 'to ― Hello?"

"Andito na ko."

"Saan?"

"Dito. Sa tapat ng bahay niyo, may sasabihin ka pa di ba?"

"Seryoso ka?"

"Serious as fuck."

"Yñigo!"

"I'm dead serious Nathalie, I wanna hear you say it. I wanna see your face, don't make me wait. Aakyatin ko yang kwarto mo."

I gasped. Did he just ...

"What is wrong with you?!" Padabog akong lumabas sa terrace ko para silipin kung andun nga siya and the douche is really there. He waved his hand at me when he saw me.

"Ano na? Hindi mo ba ko bababain?"

"Fine!" I sighed and rolled my eyes at him bago pumasok sa loob at ibinaba ang tawag niya.

Sinilip ko muna kung sino ang nasa baba nang makababa ako. Mukhang walang tao sa living room kaya dumire-diretso na ako palabas.

"Revi ..."

"Oh my gosh!" Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit. "Papa! Anong ginagawa mo diyan?"

"Nakaupo, bawal na ba kong umupo sa sarili kong veranda?" Tinaasan ako ng kilay ni Papa at napa-pout ako. Si Papa talaga! Sakin lang siya ganyan kasarcastic at kaloko. Pag kayla Kuya, palagi siyang seryoso. Tsk! "Ikaw ang saan pupunta?"

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon