Chapter 33

225 10 0
                                    

Chapter 33:

Revi's POV:

Nasa cafeteria kami ngayon. Kasama ko sina Hera at Erin, as usual. At siyempre pag kasama ko sila, mawawala ba naman si Edison at Percy? Actually, obvious naman na ayaw nilang makitable samin. But for some unknown reason, andito pa rin sila. Medyo wala namang pinagkaiba dahil hindi naman sila nagsasalita. Parang kami lang tatlo. Di na ko nagtaka dahil si Percy, tahimik naman talaga pag kasama kami. Si Edison, tahimik kasi nagpapahard to get siya kay Hera. Ugh, boys! Minsan mas malakas pa magpabebe saming mga babae ...

Dahil sa phone call namin ni Yñigo kagabi, medyo at ease na 'ko. Magkatext pa rin kami hanggang ngayon, kung anu-ano lang pinag-uusapan namin. Minsan seryoso, minsan naman puro asaran lang. Medyo hindi ko na nga napakinggan yung ibang lesson dahil pasimple kaming nagtetext.

From: Yoshi

Date?

To: Yoshi

Makipagayos ka kaya muna.

From: Yoshi

Akla ko ba wag akong humngi ng sorry?

To: Yoshi

Bkt, pinagsosorry kba?

From: Yoshi

Yup.

To: Yoshi

Sorry my arse! Wag mo ggwin yun! Kapal nila!

From: Yoshi

Gusto ko yung topic ;) Show me how sorry your arse is.

Namula ako sa reply niya. What the heck! Ang bastos talaga nito!

"Weirdo." Napaangat ang tingin ko at nakita si Edison na bumubulong kay Percy. "Natawa mag-isa habang nagtetext, nababaliw na ata kasi wala si Yoshi boy."

Tumaas ang kilay ko. Ako ba ang tinutukoy niya?

Nakita ko ang pag-ngisi ni Percy. Tumingin siya sakin habang nabulong pa rin sakanya si Edison.

"Hera ―" napatingin ako kay Hera na tahimik lang na kumakain. Napatigil din sa pagbulong si Edison dahil sa bigla kong pagtawag kay Hera. "Ba't ang tahimik mo, girl?"

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.

"H-ha?" Parang wala sa sarili niyang sagot.

Lalong tumaas ang kilay ko. Lumipat ang tingin ko kay Erin na nasa kabilang gilid ko. Nagkibit balikat lang siya.

I sighed. Hinarap ko si Edison at tiningnan ng masama.

"Pabebe ka ba?"

"Ako? Bakit ako?" Gulat na tanong ni Edison.

"Ikaw gusto ko e, bakit ba?" Angil ko sakanya.

"Sinasapian ka na naman Mañago ha." Naiiling na sabi niya sakin.

"Tingnan natin kung sinong masasapian pag tinext ko si Hades," nakangisi kong sabi. Huh! Akala niya ha? "Hera, pahingi nga ng number ni Hades sabihin ko samahan tayo mamaya."

Saglit akong tumingin kay Hera at ibinalik ang tingin ko sa nakasimangot na mukha ni Edison.

"Makaalis na nga!" Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Percy.

"Teka dito ka muna." Hinila siya ni Percy paupo. "Dalawin natin si Yñigo, dre."

Biglang sumaya ang mukha ni Hera.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon