Chapter 12

415 11 0
                                    

Revi's POV:

The rest of the week was a pretty blur. Everything went fast at ngayon, Wednesday na naman. Ni hindi ko nga naramdamang dumaan ang weekends sakin. Ang natatandaan ko lang ay yung shopping bonding namin nila Hera. For the first time in my life, naisa-isa namin ang mga boutique sa mall at bawat isa nun ay bumili kami ng damit para kay Erin. Sinabi namin sakanya na kailangan na niyang palitan ang nasa closet niya, na gagawin namin by friday. Hopefully ( kung hindi eepal si Yñigo at sasabihin may practice. )

Pero kahit naman sobrang bilis dumaan ng mga araw sakin, ramdam kong chill lang ako. I don't feel stressed for three reasons, first, hindi nagiging ass si Yñigo sakin. In fact, he's acting weird ever since that truce thing happened. Masyado atang pinanindigan at feeling ko ibang tao na ang kaharap ko. At ngayon ko lang nalaman na talagang trios sila dahil parang may package deal na kapag hindi naging bwiset si Yñigo sakin ay hindi rin magiging bwiset sila Percy at Edison sakin. Second, dahil nakahabol ako kahit papaano sa academics ko dahil kay Erin. Yes, nakakahiya mang aminin pero si Erin pa ang nagtuturo sakin ng iba kong subjects. Well sorry naman, I'm not brainy but i'm not brainless either. Sapat lang. Basta makaflat 80 ako sa subjects ko okay na ko. Matagal ko nang pinaubaya kay ate Reah at kuya Rob ang pagiging brainy. Sakin naman ang beauty and talent kaya keri lang.

Gaya nga ng sabi ko, wednesday ngayon at buti nalang after school ang practice nila Yñigo ng basketball. I heard opening na daw sa monday ng competition na sinalihan nila. Kailangan ko rin kasing umuwi ng maaga ngayon dahil ngayon nakaschedule ang pagsusukat ng damit para sa kasal ni ate. Which is happening by december. 2 months from now. Hindi na nga din ako makapaghintay na maikasal na siya dahil rinding-rindi na ko kay ate kakapasalamat sakin dahil nga tinulungan ko daw si Kuya Tyron sa proposal niya. As if may choice ako! Aksidente ko kayang nasira ang proposal niya.

"I'm hoooooooome!" Oh di ba? Wala lang, makapag grand entrance lang.

Nagtinginan sakin yung mga tao sa loob. Siguro mga lima silang nandito na hindi ko kilala. Ang sinusukatan nila ngayon ay sina mama, si kuya rob at kuya rain pati na rin si papa. Andito rin si Tita Eloisa ngayon.

"Andito na pala si Revi e!" Tumayo si tita Eloisa at niyakap ako. "Welcome home hija, buti nakauwi ka na. Wala ba kayong practice ni Yñigo ngayon?"

Crap, ang daldal naman ni tita! Hindi ko pa nasasabi kayla mama na kasali ako sa dance competition at may partner akong lalaki. Lagot ako nito!

"Practice? Yñigo? Sino si Yñigo?" Napatingin ako kay ate na mukhang galing pa sa kusina namin at dala ang baso juice na nasa tray.

"Ah, wala lang. Sinali kami ni tita sa dance competition e." Kibit balikat ko nalang sagot. Kunyare cool lang sakin para hindi nila gawing big deal.

Naupo nalang muna ako sa sofa dahil hindi pa sila tapos sukatan.

"Hindi mo man lang sinabi sa amin anak? Kailan mo pa sasabihin? Tsaka, sino ba yung Yñigo na yun?" Tanong ni mama sakin.

"Classmate ko po, sasabihin ko sana ma. Nakalimutan ko lang talaga. Sorry!" Ngumiti ako ng nagpapacute kay mama para hindi na siya magtampo.

"Classmate mo? Bakit pumayag ka? Close ba kayo? Gwapo ba yun? Baka naman di pa dumikit sa itsura ko yun." Sabat ni kuya Rain at umirap naman ako.

"Mahiya ka nga kuya, kadiri ka!" Kahit kelan talaga, ang feeler ng kapatid ko!

"Revi, bakit di mo man lang hiningi ang permiso namin? Paano pala kung ayaw naming pumayag?" Napatingin ako kay papa na seryosong nakatingin din sakin habang sinusukatan siya.

"Eh Pa, hindi naman po ako e! Ayaw ko nga po dapat kaso napilit po ako!" Tumingin ako kay tita Eloisa na biglang nanlaki ang mata dahil sa sinabi ko. Hahaha! Ang funny ng itsura ni tita!

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon