Chapter 13

341 9 0
                                    

Revi's POV:

Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay, ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng asawang mayaman at gwapo na pwedeng palahian. Pero itong hayup na Yñigo na 'to ay sinisira ang pangarap ko!

Pinara niya ang jeep na kulang na lang ay maglabas ng uling mula sa tambutso nun. Iginiya niya ko paloob pero nagmatigas ako. May mga lima ang nasa loob ng jeep na tumitingin samin pero wala akong pakialam. Hindi ako sasakay dito. Ni minsan, hindi ko pa naranasan ang sumakay sa jeep. Dahil nung bata pa ako, kahit hindi pa kami mayaman ay naglalakad lang ako dahil malapit lang naman ang school. Hindi ko pa naranasang mag-tricycle at mag-jeep dahil ewan ko. Bakit ba kailangan ko pang balikan ang mga ganun? Basta hindi ako sasakay sa jeep na 'to!

"Revi, sumakay ka na kaya?" Parang naiinis pa siya at pilit pa rin akong pinasasakay.

"Gusto mong sampalin kita? Hindi nga sabi ako sasakay diyan!" Tiningnan ko ang hawakan ng jeep na parang nangangalawang pa. Yuck! Ilang may contagious disease kaya ang humawak dito?


Napakamot siya sa ulo bago nauna sumakay. Naupo siya sa bungad at nasilip ko naman si manong nakatingin sa salamin sa amin. Nakakunot ang noo at parang naiinis.

"Ano ine, sasakay ka ba? Aba'y bilis-bilisan mo naman at hindi lang ikaw ang pasahero." Hindi ko pinansin si manong at tiningnan ko si Yñigo ng masama.

Hayup 'tong lalaking 'to! Pagbabayaran niya talaga 'tong ginawa niya sakin!

"Tara na kasi," inilahad niya yung kamay niya sa akin at wala na kong nagawa kundi kunin yun. Kesa naman dun ako humawak sa may kalawang di ba?

Naupo ako sa may tabi niya at tiningnan ko ulit siya ng masama. Habang siya naman ay ngiting-ngiti na nakatingin sakin. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ko dahil ito ang unang beses na ngumiti siya ng walang halong masamang balak o maiinis kasi parang naisahan niya ko sa pagpilit niyang maisakay ako dito sa jeep na 'to.

May dinukot siya sa bulsa niya at inabot sa may ale na nakaupo sa bandang dulo malapit sa driver na kahilera namin.

"Bayad po, makikisuyo." Inabot naman yun ng ale sa driver. "Dalawa ho, diyan lang sa may seklo."

Hindi ko alam kung saan yung lugar na yun pero hindi na ko sumagot. Nakakita ako ng jeep pero labas lang, hindi ko naman kasi pinagtutuunan ng pansin yun dahil di ko naman inakalang sasakay ako sa jeep ni minsan sa buhay ko. Pinagmasdan kong maige ang loob.

Kulay violet ang jeep ang mukhang maayos naman. Wala naman kasi akong pagbabasehan dahil first time ko palang naman nakasakay. Mukhang malinis ang loob except sa mga hawakan na kinakalawang.

"Ayos ka lang?" Napalingon ako sakanya at nakitang nakakunot ang noo niya sakin. Tumango na lang ako sa sinabi niya bago ako napatingin sa magnanay na nakaupo sa harap namin.

Pinagmasdan kong maige yung magnanay, yung bata na nakasuot ng sando na medyo hindi na makita yung print ng damit at shorts na kupas. Yung nanay naman ay magulo ang buhok sa pagkakatali at nakasuot ng over sized na tshirt na parang nagpuputik. Sobrang payat nila at ang pinaka nakakaawa sa lahat ay yung mga tsinelas nila na hindi magkakapares.

Sumikip ang dibdib ko sa nakita ko at parang nanghina ako. Wala sa sarili kong nahawakan ang kamay ni Yñigo. Hindi ko alam pero I suddenly feel the urge to grip on something kasi parang maluluha ako sa nakikita ko. Namalayan ko nalang na kamay pala niya yung hawak ko nang pisilin niya rin pabalik ang kamay ko at tumingin ako sakanya. Nginitian niya lang ako. Yung ngiti na parang kino-comfort ako. Siguro kasi alam niya na kung bakit bigla nalang akong napakapit sakanya. Bigla akong nagsisi na hindi ko man lang nadala yung wallet ko. Pero gusto kong may maibigay sakanila. Tiningnan ko si Yñigo.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon