Chapter 10

497 12 1
                                    

A/N: Long chapter ahead. Napagod ako dito, seriously. Sakit sa kamay!

***

Yñigo's POV:

Sa totoo lang, wala ako sa mood para sa lahat ng bagay ngayong araw. Gusto kong i-umpog ang sarili ko sa pader para lang matauhan ako at mapagtanto kung anong ginagawa ko.

Hindi ko alam bakit kapag napapahamak na siya, andun ako na parang gago na kinokontra yung mga pangyayari para sakanya. Kahit na sa umpisa, alam ko naman na ako din ang may gawa kung bakit siya napupunta sa ganung sitwasyon.

Alam ko sa sarili ko na hindi siya aware sa nararamdaman ko. At hindi ko alam bakit ako nagagalit dahil dun. Nung una, yung mga pang-aasar ko sakanya hindi ako nakokonsensya. Pero yung kahapon, yung makita ko yung mga mata niyang nangingilid sa luha at nakatingin ng diretso sa mga mata ko ... Yun yung hindi ko kinaya. Tagus-tagusan niya kong tiningnan na para bang ako na yung pinaka nakakasuklam na tao sa buong buhay niya.

Akala ko yun na yun. I thought by showing her how awful my attitude was towards her would be enough para lubayan niya ko at lumayas siya sa teritoryo ko. Dito sa lugar kung saan ako nakakaramdam ng comfort. Alam kong magtataka ang makakabasa ng nasa isip ko ngayon kung bakit school ang comfort zone ko. Hindi ba dapat sa bahay? Sure. Comfort zone ko ang bahay namin pero dito, dito sa school na 'to meron mga taong rumerespeto sakin. Wala akong pake kung paano ko nakuha yung respeto nila sakin pero ang mahalaga, respetado ako dito. Dito kung saan may mga kaibigan ako at kung saan ako naman ang pwedeng maghari-harian. This is my place, she should not came here and take that away from me. Yun ang pakiramdam ko nung makita ko siya ulit ng unang beses sa office ni tita Eloisa.

Kaya kinumbinse ko ang sarili ko na hindi ako titigil hangga't hindi ko siya napapaalis sa lugar na 'to. Hangga't hindi ko naibabalik kahit kalahati man lang ng damage na ginawa niya sakin. Pero mali ako, nung makita ko yung mga mata niyang may luha alam ko na dun palang na talo na naman ako. Na hindi ko pa rin kaya hanggang ngayon. Na ganun pa rin pala hanggang ngayon.

Tangina, akala ko tapos na ko dito. Akala ko kapag nakita ko siya ngayon, kaya ko nang sabihin sakanya ng taas noo na ako yung lalaking sinaktan mo dati oh, yung pinandirihan mo. Kasi ngayon mas may tiwala na ko sa sarili ko, kaya ko nang ipagmalaki yung sarili ko sa iba. Or so I thought, ganun ang mangyayari. Pero hindi. The moment she stepped her foot inside this campus, all my insecurities went back with her. Pakiramdam ko ako na ulit yung Yñigo na mataba, panget, pinandidirihan at kinakawawa ng mga tao sa school. Yung Yñigo na walang gusto kumaibigan dahil sa sobrang duwag at panget niya. All these years, nasayang lang lahat ng pagbabago na ginawa ko sa sarili kasi sa isang tingin ko lang sakanya nawala nang lahat na yun. Talunan na naman ako.

At first I thought I hate her that's why I'm doing all of those immature things to her, but then I realized that I was hating myself without me knowing it. I hate myself for feeling the same towards her. I hate myself for allowing me too feel that way again ...

Tangina, palagi na lang ba akong tanga?! Kung kailan nakuha ko na yung gusto ko, yung maramdaman niyang hindi na ako yung Yñigo na nakilala niya noon, na hindi na ako yung tangang umaasa para magustuhan niya o bigyan niya kahit man lang katiting na atensyon.

Nung kumalat yung picture ko sa buong seniors ( pati nga sa juniors ) dito sa campus, hindi na ko masyadong nagulat. Siya pa rin talaga yung Revi na nakilala ko. Yung hindi papatalo, yung hindi papayag na inaapi lang, siya pa rin yung Revi na nagustuhan ko. Nung marinig ko na papatulan siya ni Percy, dapat matuwa ako pero kabaliktaran nun ang naramdaman ko. Hindi ako nagsalita about the picture kasi alam kong yun ang eksaktong gusto niyang makuha na reaksyon ko. Yung magalit ako at maramdaman ko na hindi ko pa rin siya matatalo pagdating sa ganun. Pero hindi ko ginawa, kahit na gustong-gusto kong magwala dahil sinisira niya yung reputasyon na pinaghirapan ko all these years sa campus na 'to. Hinayaan ko lang siya, dahil sa tuwing naiisip ko na gumanti pabalik naaalala ko yung itsura niya nung muntikan ko na siyang saktan, physically. Sapat na rason na yun para hindi ko ituloy yung gusto ko.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon