Revi's POV:
I know why he did it. But what suprises me is that, instead of getting mad I find it very cute. Too cute that the butterflies in my stomach started moving around. Too cute that my heart kept beating fast and unusual.
Ni hindi ko na nagawang tanggalin yung akbay niya sakin kasi sht lang, kinikilig ako! Gosh Revi! Kapag magaganda hindi ganyan ka-obvious kiligin! I admonished to myself.
Tsaka ko lang tinanggal yung kamay niya. "Feeling close?" Taas kilay kong tanong sakanya at ngumisi lang siya sakin.
"Nakakain ka ba ng lunch?" Speaking of, hindi na ko nagkaroon ng chance na kumain dahil sa mga pakulo niya. Ngayon ko palang tuloy naramdaman ang gutom ko. But since bell na, hindi na kami pwedeng pumunta pa sa cafeteria.
"Mamaya na lang uwian." I said to him and he nodded. As we're heading to our classroom I can't help but notice some students shrieking as we passed by. Hindi na ko nagtaka dahil malamang ay na-witnessed nila ang palabas ni Yñigo kanina.
Feeling ko tuloy ay sobrang haba ng buhok ko at imbes na mahiya ay feel na feel ko siyang ilatag.
Habang naglalakad kami ay naramdaman ko na lang na may humawak na sa kamay ko. Right in time para sa pagdaan namin sa grupo ng mga boys na nakakalat sa corridor. Everyone stopped and stare as we passed by, they all made that "ohh" sound nang dumaan kami.
"May paghawak?" Sita ko sakanya nang lumagpas kami.
"Of course, staking a claim on what's soon to be mine." Hindi siya nakatingin sakin and he keep giving this aura na akala mo ay siya ang hari dito sa school kung makapaglakad siya ng taas ang noo na tipong kahit ako na makakasalubong siguro siya ay mahihiya at tatabi sa dinadaanan niya. Authority is well seen on his even if he doesn't say anything.
"What makes you think that soon I will be yours?"
"By hook or by crook, hon. By hook or by crook." He looked at me and wink. Hindi ko mapigilan mapairap dahil sa pagiging arogante niya.
Sa sobrang confident niya ay ikaw na ang mahihiya at mananahimik. Psh. Yñigo yan e!
Nakarating kami sa classroom at pagbukas ng pinto ay nandun na ang teacher namin at kami na lang dalawa ang kulang. Mukhang hindi na pumasok si Edison at Percy. Nakatingin samin ang mga kaklase namin nang pumasok kami pero agad din nawala sa mukha namin at lumipat ang tingin nila sa kamay naming magkahawak. Sinubukan kong alisin pero lalo lang hinigpitan yun ni Yñigo. Maging ang teacher namin ay nakatingin sa magkahawak naming kamay. Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko dahil sa atensyon na nakukuha namin at ng magkahawak naming kamay.
"Alright love birds, sit down at mamaya niyo na ipagpatuloy ang ginagawa niyong dalawa." Lalong uminit ang mukha ko sa sinabi ng teacher namin, "come in."
Walang salitang pumasok sa loob si Yñigo at pati ako ay napasunod dahil nga magkahawak ang kamay namin. Nagtilian ang mga kaklase namin na agad namang sinaway ng teacher namin.
"Yñigo, pwede mo nang bitawan yung kamay ni Ms. Mañago. Hindi naman siguro siya mawawala at hindi rin naman siguro mawawala yang kamay niya. Walang kinalaman ang sweetness niyo sa functions na ituturo ko."
"Ayoko kasing mawala siya ma'am. Baby ko kasi siya e."
Naghiyawan na naman ang mga kaklase namin at ako naman ay napatakip sa mukha ko gamit ang kamay ko na hindi niya hawak. My gahd! Nakakahiya ang isang 'to!
Gusto ko nang bawiin ang sinabi ko kanina na kinikilig ako sakanya dahil ngayon ay binibigyan naman niya ko ng kahihiyan dahil sa mga kakornihan niya.