Chapter 45:
Revi's POV:
"Masakit pa?" Lumingon ako kay Percy nang nakapikit ang isang mata. Nasa gilid kasi niyaang araw at nakakasilaw.
Kanina pa ako nakahilata sa buhanginan suot ang racer back ko at and cut off shorts ko. Tsk, siguradong hindi magpapantay ang kulay ko. This is all Percy's fault. Hindi kasi niya sinabing sa beach kami pupunta.
Bumaling ako sa tanong niya at nagbuntong hininga.
"Hindi naman ito yung klase ng sakit na nakukuha sa isang tulog lang."
"Sabagay, pag nai-sprain ka nga umaabot ng linggo e." Sagot niya at pabiro ko siyang tinapunan ng dinakot ko na buhangin.
"Anong konek?!" Natatawa kong sabi.
"Wala lang may masabi lang."
Napailing na lang ako. I've never seen this side of him. Yung may sense of humor. Palagi kasi siyang mainit ang ulo at may sumpong. Yung tumatawa at nagbibirong side niya nakakapanibago. Weird din ang tawa niya, parang pwede mong bilangin sa daliri mo.
"Wag ka nang iinom ulit kapag hindi ako ang kasama mo ha."
I groaned. Bakit pinaalala niya pa? Ako mismo ang nahihiya para sa sarili ko. It's not my first time to drink, but it's my first time to get drunk. Like ... really drunk. Nakakahiya!
"Nasabi ko na bang sobrang pangit ng boses mo?" Parang naiirita niyang sabi at sinamaan ko siya ng tingin. "Pucha, pag naaalala ko, parang sumasakit ulit ang ulo ko."
"Ang sama mo!" I yelled at him at tumingin siya sakin ng seryoso. I stared back at him and we ended up laughing. Nakakatawa kasi yung mukha niya!
"Yan. Ganyan dapat. Hindi bagay sayong naiyak." Nag-iwas siya ng tingin, may pinulot siya at ibinato sa dagat. "Para akong binabangungot. Parang si Mama yung umiiyak, tapos wala akong magawa."
Hindi ako nakaimik. I become speechless everytime he'll talk about his mom. He must have missed her so much. Ganito rin kaya siya ka-open sa iba? But he's always alone. He doesn't like to go with a crowd. Unless kami ang kasama niya. Ewan ko bakit ganun siya.
"Thank you." Yun na lang ang sinabi ko. Tumingin siya sakin na parang nagtataka kaya dinugtungan ko ang sinabi ko. "I know you want to be alone, like ... always. Pero heto ka at tinitiis lahat ng kaartehan ko."
"Isa pang chance." He simply said. Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin kaya hindi ako sumagot. "Pagbigyan mo pa siya ng isa pang chance, malay mo hindi lang niya inaasahan na papipiliin mo siya."
Should I? Should I give him another chance? But he's not asking for it. Pero hindi ko rin naman sigurado kasi wala naman kaming means of communication. Pinuntahan na kaya niya ako sa bahay? Hinanap? Tinext? Minessage? Ini-stalk sa facebook?
Nang tumingin ako sa pwesto ni Percy ay pinapagpag niya na ang shorts niya at mukhang aalis na.
"Saan ka pupunta?"
"Phone call." Simpleng sagot niya.
"Naks! Do you have a girlfriend, Percy? A secret girlfriend perhaps?" I asked, teasingly.
"Chismosa!" Sigaw niya nang hindi lumilingon at kumaway na para umalis.
Erin's POV: