Chapter 44

192 8 0
                                        

Chapter 44:

Revi's POV:

I don't know why I ended up dialing Percy's number in the end. My mind was so clouded with so many unfavorable thoughts. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nilalamon ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko at nilalason ang buong sistema ko.

Tinawagan ko si Percy dahil siya lang ang makakatulong sa akin. Sinabi ko sakanya na gusto kong umalis. Magpakalayo. The next thing I knew, nasa bahay na namin siya. At hindi ko alam anong kasinungalingan ang sinabi niya sa parents ko at mga kapatid ko para mapapayag sila na sumama ako sakanya.

"Pack your things. Hintayin kita sa labas." Yun lang ang sinabi niya.


I was too tired to even utter a single word kaya naman ginawa ko na lang ang sinabi niya. Kumuha ako ng maliit na maleta. Dahil hindi ko alam kung anong pinaalam niya ay hinablot ko lang ang una kong makita hanggang sa mapuno na ang maleta ko.

Bago ako makalabas ng bahay ay nakita ko si Kuya Rob sa harap ng kwarto ko. Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako ng mabuti. Sumakit lalo ang dibdib ko. Pinilit kong ngumiti sakanya pero pakiramdam ko alam niya. Siyempre, si Kuya Rob 'to e. Alam niya, pero mukhang wala siyang balak magtanong. I was thankful for him for that.

"Come here," he opened his arms wide, asking me to give him a hug and I gladly took it. "Bumalik ka kapag kaya mo na. Call me when you need me. Anytime. Anywhere."

I nodded. I squeezed the middle of his body tightly. Doon palang ay parang maiiyak na agad ako. Mabuti na lang at wala sila Mama at Papa nang bumaba ako.


Dumiretso na ako agad sa SUV na dala ni Percy. Hindi ko maalala kung nakakuha ba siya ng lisensya at hindi ko rin maalala na binilhan siya ng sasakyan. Kanino kaya itong gamit namin? Kahit na ayaw ko sanang umimik ay ginawa ko.


"May sasakyan ka na pala."

"Wala pa."

Kunot ang noo na tumingin ako sakanya. "Eh kanino 'to?"

"Dad." Tipid na sagot nito bago ipinasok ang susi sa key hole at binuksan ang makina.


"Hiniram mo?"

"Tinakas ko." Lumingon siya sakin at ngumisi bago nagsimulang magdrive.

Umiling na lang ako. Hindi ko na inisip kung anong aksidente ang pwede naming harapin. Kung mamamatay, mamamatay. Parang unti-unti din naman akong pinatay ni Yñigo kahapon lang.

Buong ride tahimik lang kami. Percy never asked about what happened. We just sat there inside the car, appreciating the comfortable silence we're having hanggang sa makatulog ako at nagising nalang ako nang makaramdam ako ng mahinang tapik sa pisngi ko.


"Dito na tayo punasan mo laway mo." Nakangising sabi ni Percy at umirap lang ako. Alam ko naman kasing nagbibiro lang siya.


Broken hearted lang naman ako pero alam ko pa rin na ang magandang katulad ko ay hindi marunong maglaway habang tulog. Duh.

Sinadya kong ipatama sakanya yung pinto nung binuksan ko. He made an inward cough at pinigilan kong umalpas ang ngiti sa labi ko.

"Nasaan tayo?" I asked.

"Sagada."

"Seriously?!" Sigaw ko sakanya. Nang makita kong natatawa siya ay binatukan ko siya. "Lakas maka-That Thing Called Tadhana?!"


"Para sa brokenhearted na katulad mo." Mapangasar na sabi nito. "Where do broken hearts go."


"Leche!" I rolled my eyes at him as I stretched my body. Pero napahinto ako at natawa. "Oh-em-gee! Nanuod ka nun?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon