Chapter 32

230 11 0
                                    

Chapter 32:

Revi's POV:

Due to the unfortunate event yesterday, walang gana akong pumasok nung Monday. It didn't help na ang maabutan ko pa ay ang mga estudyante na nasa hallway at nagkukumpulan. Wala ako sa mood na makiusyoso sakanila pero dahil hinaharangan nila ang daaanan ay nagpumilit pa rin akong dumaan dun.

I instantly froze nang makita ang pinagkakaguluhan nila. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita yung lalaki sa ilalim ni Yñigo. Puro dugo na yun at nanlalambot na. Meron pang isa na nakahilata na sa sahig at hindi na kumikibo. Bakit walang umaawat sakanila?!

Nang makabawi ako sa gulat ay tatakbo sana ako palapit para awatin siya nang may humuli sa braso ko at pinigilan ako. I whipped my head to whoever grabbed my arm and saw Percy looking at me intently, he shook his head. Para sabihin na wag ko nang balaking ituloy ang nasa isip ko.

Nakaramdam ako ng inis. Kung siya, hindi concern sa pwedeng mangyari kay Yñigo, pwes ako ... oo! Though, it seemed to me that the two whom he beat up were the ones I should be concern with, mas naisip ko pa rin ang kalagayan ni Yñigo. Any minute, pwede nang dumating ang mga admins at pwede siyang mapa-office. God knows what will happen to him this time, kapag nalaman na napaaway na naman siya.

Marahas kong tinanggal ang kamay ni Percy sakin at tumakbo palapit kay Yñigo. Pero nang makalapit ako ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kakausapin ko lang ba siya? Or do I need to get a hold of him and get him away from the guy? Kaya ko kayang gawin yun? Whatever, I did whatever came first into my mind.

"Yñigo!" Nasuspend sa ere ang fist niya na dapat ay lalapat na naman sa mukha nang lalaking nasa ilalim niya. "Stop! Why are you doing this?"

Marahas niyang binitawan ang kwelyo ng lalaki at tumayo mula sa pagkakaluhod. Hindi niya ako tiningnan, nakatingin pa rin siya sa lalaking binugbog niya.

Nag-aalangan akong lumapit sakanya at hawakan ang braso niya para iharap siya sakin.

"Yñigo," my fingers barely touched his arm when he flinched and move away.

"Layo," I wasn't sure kung ako ba ang kausap niya p yung lalaki na nakahiga sa sahig. Unlike sa isang lalaki, may malay pa siya pero hindi na siya makagalaw dahil nanginginig na siya sa takot. I felt pity to the guy, but my hurt for what Yñigo did when I was about to touch him overpowered. Hindi din nakatulong na tumingin siya sa akin para kumpirmahin na para sa akin nga ang sinabi niya kanina. "Lumayo ka sakin baka madamay ka."

Hindi ako nagsalita o gumalaw at tinitigan lang siya.

"Layo sabi!" I slightly flinched when he raised his voice earning a few gasps and whispers from the crowd. Sa sobrang gulat ko ay napaatras ako.

Pero hindi ko pinahalata ang takot ko. I swallowed the lump on my throat.

"Bakit mo ba sila sinasaktan?"

Hindi siya sumagot. Namalayan ko na lang na nasa magkabilang gilid ko na si Erin at si Hera.

"The teachers are coming."

"Ilayo niyo siya dito." Narinig kong sabi ni Yñigo, di ko alam kung kay Erin o kay Hera pero naramdaman ko ang paghila ni Hera sakin at tiningnan ko siya.

"He's going to be fine, come on." Wala na akong nagawa at sumama nalang.

As expected, pinatawag siya sa office. Yung dalawang binugbog niya ay inilabas na ng school para isugod sa ospital. Aeo assured us na hindi naman sila malala pero pinadala pa rin sa ospital para makasigurado.

The whole time, hindi ako makapagconcentrate sa klase. We kept on exchanging glances. Me, Edison and Percy. Parang nangpapakiramdaman kami. Alam kong katulad ko gusto na rin nilang malaman ang nangyari kay Yñigo.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon