Chapter 4

513 14 0
                                        

Yñigo's POV:

Pagkatapos ng klase, dumiretso kami agad sa gym. Rule number 1 ni coach? Never be late. Kaya eto, nagmamadali kaming tatlo para magbihis.

"May kasalanan ka pa samin Yoshi, baka nakakalimutan mo." Siniko ako ni Edison sa tagiliran.

"Oo na, alam ko na! Ulit pa? Mamaya bubusugin ko kayo." Tss, libre lang naman gusto ng mga 'to e.

"Yan! Yan gusto ko sayo e, kung ganyan ka ng ganyan kahit ilang beses mo pa kami ilaglag ayos lang." Natatawang sabi ni Percy. May papalo palo pa sa balikat ko.

Tinabig ko yung kamay niya dahil tapos na kong itali ang sintas ng sapatos ko.

"Maiba ako, dre anong meron dun sa Revi na yun?" Sinuot ni Edison yung jersey niya pang itaas tapos inayos ang buhok sa salim. Tsh, papogi. Alam naman nilang ako pinaka-gwapo saming tatlo.

"Oo nga dre, ang lupit nun! Aaminin ko, medyo kinilabutan ako sa banta niya kanina." Nagkunwari pang nangingisay si Percy sa harap namin. "Parang may taglay na itim na kapangyarahin yung babaeng yun, nagtatago sa mala-anghel na mukha."

Napangisi ako, puro kalokohan talaga 'tong mga 'to.

"Mala-anghel? Wag niyo kong patawanin, wag kayong papadala dun ... Kalahating demonyita kalahating kulto yun."

Sabay-sabay kaming tatlo na nagtawanan. Pag kami talaga magkakasama masaya e.

"Siraulo 'to si Yoshi boy oh," naiiling pa si Edison habang tumatawa. Naglalakad na kami palabas ng locker room habang naguusap-usap. "Baka mamaya kainin mo sinasabi mo at ikaw ang mahulog dun, sampung talampakan paibaba." Dinemo pa niya sa kamay niya kung paano yung paibaba na sinasabi kiya habang tinutulak-tulak pa ko ni Percy.

Siniko ko sila parehas, nasa magkabilang gilid ko kasi sila kaya madali kong nagawa yun.

"Ako? Magkakagusto dun? Hindi no! Asa." Hindi na ulit. Sayang naman ang gandang lalaki ko kung sakanya lang din ang bagsak ko.

Pagkalabas namin nakita namin yung ibang team mates namin na nakapila na kaya nag-unahan kaming tatlo para makapila kaso biglang sumigaw si coach.

"Ocampo! Santiago! Dela Cruz!" Napahinto kami sa pagtakbong tatlo at kabadong napatingin kay coach. "Anong ginagawa niyo sa practice ko? Dun kayo sa detention!"

"Coach naman! Paano kami magpa-practice niyan?" Reklamo ni Edison, may kasamang paglalambing ng kaunti kay coach. Tss, bakla.

"Sige sumagot pa kayo at tatanggalin ko kayo sa upcoming game ng school!" Napayuko na lang si Edison at napakamot sa ulo.

Tinapik ko na lang sila pareho at niyayang lumabas.

"Tara na," pagkatalikod namin bigla akong tinawag ulit ni coach.

"Ocampo, ulitin mo pa ulit 'to tatanggalin kita as team captain. Maliwanag?!" Sigaw niya kaya naman humarap ako at taas noong sinalubong ang mga tingin niya sakin.

"Yes coach!" Ako? Tatanggalin niya? Sige gawin niya, para masungkit ang title sa school na 'to. 5 years nang nasa Cayden ang titulo at kami ang ika-anim na taon sinwerte ako ng masungkit ko ang pagiging team captain. Pero pinangatawanan ko nung ibigay na sakin. Kaya hindi niya pwedeng sabihin na tatanggalin niya ko dahil lang sa suki ako ng detention.

Hindi na ulit ako sumagot at lumabas kami ng gym.

"Badtrip!" Napatingin sakin yung dalawang ugok. "Humanda sakin yang Revi na yan."

"Di ka ba nakikinig kanina dre? Di ba sabi niya, pag umulit pa tayo malalagot tayo sakanya?"

Ngumisi ako sa sinabi ni Percy.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon