Chapter 42

193 7 0
                                        

Chapter 42

Revi's POV:


Kinamayan ko ang commencement speaker namin at ngumiti ng binati niya ako ng congratulations habang inaabot ang pekeng diploma namin.

Proud na proud si Papa at si Mama na nakatingin sa akin habang nakatayo ako sa stage. Umakbay sakin si Kuya Rob at kinuhanan kami ng picture.

Finally, graduate na kami. Napalingon ako sa side kung saan naandun si Yñigo. Nagtama ang mata namin at kumindat siya sakin. I smirked, this douche.


Sabay kaming bumaba ni kuya at sinalubong naman kami ng yakap at halik ni Papa at Mama. Kung hindi ko lang graduation ay sinabihan ko na sila Mama dahil sa paghalik nila sakin sa maraming tao.


Mabilis din natapos ang commencement exercise at dumiretso kami sa restaurant ni Mama para magcelebrate ng graduation. Mamayang gabi kasi ay may party sa bahay nila Yñigo. Hindi kayo maniniwala pero 8th honorable mention ang boyfriend ko. Yes, nakakahiya man aminin ay totoong mas matalino pa sakin si Yñigo. Kung hindi nga lang dahil sa mga suspension at absences baka nakaabot daw siya ng 5th. Too bad, but nonetheless I'm still proud. He's more than a handsome face, he's smart too. Rare na kasi sa lalaki ang ganun, plus sporty. Muntik na kong mapakanta ng 'nasayo na ang lahat'.


As soon as makapasok kami sa resto ay nagvibrate ang phone ko na nasa kamay ko. Tiningnan ko yun at nakitang si Yñigo pala ang nagtext.

From: Yoshi <3
Ang blis niyong nakaalis. Hnahanap kta e.

I smiled. Kahit na sa text alam ko na agad na nainis siya dahil hindi ako nakapagpaalam sakanya na mauuna na kami. Para namang hindi kami magkikita mamaya ... si Kuya Rain kasi nagmamadali, gutom na daw kasi siya kaya. Psh.

Nagtype ako ng reply ko sakanya habang abala si Mama sa pagpapahanda ng food. Nakasarado nga pala ang resto ni Mama at kami lang ngayon ang tao dito.

To: Yoshi <3
Magkkta naman tayo later. Clingy much? Kuya Rain's hungry na kaya nagmadali na kami umalis. Wer u at?

Wala pang ilang segundo ay nagreply na agad siya, halatang hinihintay ang text ko sakanya.

From: Yoshi <3
Otw home. Nagpaluto nalang si Mom para mkpagphnga pa ko. Congrats, hon.


To: Yoshi <3
Right back at ya, dork! :p



"Surprise!" Muntik akong mapatalon sa gulat sa sumigaw. Napalingon agad ako sa direksyon nang pnanggalingan na boses at nakita si Ate Reah kasama si Kuya Tyron.

Ewan ko kung anong espiritu ang sumapi sa akin at napatayo ako at sinalubong si Ate.

"Oh my gosh!" Niyakap ko siya ng mahigpit at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Akala ko di ka makakarating?!"


"Sus, pwede ko ba namang mamiss ang graduation ng pinaka favorite kong kaaway?"

"Inggit ka lang mas maganda kasi ako sayo!" I retorted and heard her laugh.


"Ah ganun? Sige, sayo na yang ganda mo. Di ko na ibibigay 'tong regalo ko."

Nanlaki ang mata ko. May itinago siya sa likod niya na agad kong pinigilan.

"Hey! Wait! Akin yung ganda, sayo na yung sexy! Happy? What's that? Is that for me?" Excited kong tanong nang makita ang paper bag na hawak niya.


Ate Reah nodded and I beamed.


"Congrats, kiddo!" Ginulo ni Kuya Tyron ang buhok ko at kinindatan ako. "Yari ka sa collegr mababawasan ganda mo."

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon