Chapter 18

265 9 0
                                    

Revi's POV:

My heart beat accelerated when I heard him calling my name. Nagsimulang magkagulo sa loob ng gym and I took the opportunity to get out. Dumaan ako sa pinto na nakakonekta ang campus para hindi ko makasabay sa paglabas ang mga taga Sacred Heart. Pero nagulat ako ng bigla nalang may tumawag sa pangalan ko at bago pa man ako lumingon ay alam ko na kung sino.

"Revi." I turned around and faced him.

Yung kaninang kinatatakutan kong mangyari ay nangyari na. Andito na ako ngayon pinapanuod ang paglapit sa akin ng taong ayokong makaharap at makausap.

"Shawn." I uttered softly, ayokong lakasan dahil pakiram ko ay mas lalo kong mararamdaman na totoong nangyayari nga ang mga ito.


Naramdaman ko ang panlalamig ng buong katawan ko at panginginig ng mga kamay ko.

"Revi, ang tagal kitang hinanap. Nandito ka lang pala." Nakatingin lang ako sakanya habang sinasabi niya yun. I almost forgot how he looked like when he's calm. Because the last time I saw him, he made it impossible to look into his eyes again. Those were the eyes that I once, adored.

Hindi ko siya sinagot at tinalikuran. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Not now, not ever ... when I decided to leave Sacred Heart, it also means that I'll leave the people in it. Right after I left, the first thing I did was to change my number and to cut any means of communication with them. Including him, especially him ...

"Wait Revi!" Hinawakan niya ko sa braso at iniharap sakanya. "Can we talk?"


Seryoso ko siyang tiningnan sa mata kahit pa nahihirapan akong tumingala dahil matangkad siya.

"You know well that we have nothing to talk about." Binawi ko ang braso ko na hawak niya.


"We have a lot to talk about," huminga siya ng malalim na para bang naghahanda sa marami niyang sasabihin at inalis ko ang tingin ko sa mukha niya. Ni hindi ko man lang siya matitigan sa mata. "Alam ko na ang totoo."


Napahugot ako ng hininga sa sinabi niya at napatingin sakanya.

"Sorry kung naniwala ako kay Lei."

I scoffed at the mention of the snake's name. Right, my ex bestfriend slash me-wanna be slash lovelife stealer slash insecure, trying hard bitch.

"I'm sorry too, that I almost believed in you as well." Sabi ko dito at pinaningkitan siya ng mata.

"Don't be," yumuko siya ng kaunti para maging magkalevel kami at mas matitigan ako sa mata. "Lahat ng pinakita ko sayo noon totoo and I know I'm stupid for not letting you to explain before."


"So now what? We're supposed to forgive each other just like that? Shawn, it's done." I looked at him knowingly, as if trying to make some sense into him. "You didn't believe in me when all I needed that time is for you to do that."


"Kaya nga nagsosorry ako --" I cut his sentence, hearing it doesn't make me feel any better. Feeling ko nga mas lalo pa kong nasasaktan sa sitwasyon.

Alam ko na mali ko ang pumayag sa walang kwentang bet na si Lei slash anak ni zuma rin naman ang may pakulo. Alam ko na maling pinaglaruan ko sila ni Sed para lang may mapatunayan ako. Everything was just a game for me when it started. Everything was planned, from how he'll notice me to how he'll fall inlove with me. Until one day, nagising na lang ako na ako pala yung nahuhulog sakanya at bago pa mauwi sa magandang love story ang lahat, kinuha na ni Lei ang opportunity para sabihin sakanya ang totoo. Naniwala naman siya nang hindi ako pinakinggan. At hindi pa nakuntento si Lei dahil pati sa dalawa pa naming kaibigan ay siniraan niya rin ako. It wasn't long for her to take everything away from me sa pamamagitan nang pagkuha ng loob ng mga taong galit sakin at malapit sa akin.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon