Edison's POV:
Busy akong makipaglaro ng dota nang marinig ko yung pamilyar na ringtone. Kanina pa may tumatawag sakin pero regular ringtone ko lang naman. Pero nung marinig ko yung kakaibang ringtone na nilagay ko para sa iisang tao lang agad akong nagpause kahit na papanalo na kami.
Dali-dali kong kinuha ang phone ko pero bago ko sinagot ay sumigaw muna ako sa loob ng computer shop.
"Hoy! Manahimik nga muna kayo!" Sigaw ko dun sa mga kalaro kong nagta-trashtalkan tsaka ko ini-slide ang screen ng phone para sagutin ang tawag ni Hera. "Oh, bakit?" Nagkunwari akong inis pero ang totoo niyan natutuwa ako kasi tinawagan niya ako. Baka magsasabi na siya ng goodluck sakin para sa monday.
"Magkasama ba kayo ni Percy?" Parang nanginginig ang boses ng nasa kabilang linya kaya tiningnan ko yung screen ko kung si Hera talaga yung kausap ko. Para kasing umiiyak.
"Hindi kami magkasama, bakit?" Bigla na naman nag-ingay yung mga tao dito kaya nilayo ko saglit yung phone sa tenga ko. "Hoy tangina! Wag nga kasi kayong maingay sabi e! -- hello?" Pagbalik ko sa tenga ng phone ay narinig ko na siyang humikbi. "Nasan ka?"
Tumayo ako at kinuha ang bag ko.
"Hoy Edison san ka pupunta? Panalo na e!"
"Ano ba naman 'to si Edison! Tangna pare ang laki ng pusta namin!"
Hindi ko na sila nilingon at lumabas na ko ng computer shop. Mas uunahin ko ba naman sila kesa kay Hera?
"Hello Hera? Nasan ka nga?" Ulit ko, wala kasi akong ibang marinig kundi pag-iyak niya.
"H-Hinahanap ko kasi si Percy akala ko kasama mo. N-Nag-away kasi sila ni Daddy." Nakarinig ako ng mga busina ng kotse kaya alam kong nasa kalsada siya. "Hindi ko na alam gagawin ko."
Sumikip ang dibdib ko sa paglakas ng iyak niya. Pakshet. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ito ang unang beses na marinig ko siyang umiyak.
"Nasan ka nga?! Sabihin mo kung nasaan ka pupuntahan kita!" Dahil sa taranta ko ay napataas na rin ang boses ko.
"N-nasa may labas ng subdivision namin."
"Wag kang gagalaw diyan, naiintindihan mo ko? Hintayin mo ko sasamahan kitang hanapin si Percy." Hindi ko na siya hinintay sumagot at agad akong tumakbo sa motor ko. Chineck ko muna yung lisensya ko kung nadala ko ba, buti nalang at nailagay ko sa wallet ko kanina.
Hindi na ko nag-aksaya ng oras at isinuot ang helmet ko tsaka pinatakbo ng mabilis ang motor ko. Mabuti na lang din at walang traffic kaya madali akong nakapunta sa subdivision nila. Naabutan kong nakaupo siya sa may shed, nakatakip ang dalawa kamay sa mukha at nakayuko. Pumarada ako sa harap niya at tinanggal ang helmet ko.
"Anong nangyari?" Bumaba ako at pinatong ang helmet sa may ibabaw ng upuan. Nilapitan ko siya at pinatong ang kamay ko sa balikat niya. Umangat ang ulo niya at tiningnan ako at mas lalong sumikip ang dibdib ko nang makita ko ang itsura niya. "Bakit? Anong nangyari kay Percy?"
Hindi siya nagsalita at umiyak. Wala na kong pake kung magalit siya sakin, pero hinila ko siya at niyakap. Kahit alam kong ayaw na ayaw niyang dumidikit ako sakanya.
"Shhh, tahan na." Hinaplos ko siya sa likod para tumahan. "Hahanapin natin siya." Naramdaman kong tumango siya kaya naman binitawan ko na siya.
Saan ko naman kaya hahanapin ang ungas na yun? Masasapak ko talaga yun dahil pinapaiyak niya si Hera e.
Erin's POV:
Kakatapos lang namin kumain at nagpaalam ako kay mams na lalabas. Kumuha muna ako ng jacket para hindi ako ginawin. Gusto kong lumabas para maglakad dahil masyado atang naparami ang kinain ko kanina. Naglakad ako hanggang sa may clubhouse. Naupo ako sa upuan sa loob ng gazebo.