Chapter 22

366 9 0
                                    

Percy's POV:

Magsisindi sana ako ng isang stick ng maalala ako. Kingina, lakas talaga makakonsensya nun. Sa inis ko ay tinapon ko yung stick kahit pa hindi ko naman nagamit. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay at dumiretso sa taas.

Kumuha ako ng damit at inilapag sa kama bago ko kinuha ang towel ko at nagshower. Paglabas ko ng CR ay narinig kong tumunog ang phone ko. Nilapitan ko yun at tiningnan kung sino ang nagtext. Number lang pero alam ko na kung kanino. Hindi ko lang talaga hilig magsave ng number ng lalaki. Puro chicks kasi ang laman ng contacts ko. Natural lang naman siguro yun, dahil lalaki ako.

Basketball smin. G?

Nagreply ako at ibinalik ang kinuha kong damit sa cabinet at naghanap ng jersey. Nagsuot ako ng sapatos at bumaba.

"Aalis ka?" Huminto ako sa hagdan at nakita si Tita -- I mean, si Mama Hilda na nasa baba at nakatingala sakin. Tumango ako sakanya atsaka bumaba.

"Maglalaro lang kami ng basketball nila Yoshi." Hindi ko na siya tiningnan at maglalakad na sana palabas ng magsalita ulit siya.

"Dito ka ba magdi-dinner?"

"Depende," binuksan ko ang front door at nakitang nasa labas naang driver namin. "Mag -- magtetext nalang ako."

"Ingat ka!" Narinig kong sabi niya bago ko tuluyang naisara ang pinto.

Pagkarating ko sa court sa subdivision nila Yñigo ay nandun na si Edison at naglalaro na sila ni Yñigo.

"Yan na si Percy!" Tuwang tuwa na sabi ni Edison. Ngumisi ako sakanya.

"Edi wow?"

"Luh, ang korni mo dre!" Siniko niya ko at binatukan ko naman siya.

Pinasahan ako ng bola ni Yñigo.

"Anong atin?" Tanong ko. Nagyaya lang naman kaming magbasketball na tatlo kapag nagkakaproblema ang isa samin o kaya naman walang magawa. Sure akong marami kaming dapat gawin ngayon, kaya malamang yung una ang sagot.

"Laro muna!" Sabi niya at sinubukan agawin sakin ang bola pero agad kong naitago sa likod at kinuha gamit ang isa kong kamay.

Naglaro kami ng hindi seryoso hanggang sa maramdaman na naming namamanhid yung mga paa namin. Pare-pareho kaming hingal at pawis.

"Huhulaan ko na! Kay BI 'to no?" Pangunguna ni Edison pagkatapos uminom ng tubig.

Kinuha ko yung towel ko at nagpunas ng pawis. Tinabihan ko si Yñigo sa concrete bench na inuupuan niya.

"BI?" Nagtataka siyang tumingin kay Edison at napangisi naman ako. Daming alam ni gunggong.

"Babaeng isinumpa! Di ba boss malupet?" Tumango sakin si Edison na parang hinihingan ako ng pagsang-ayon.

"Siraulo!" Natatawa kong sabi dito.

"Gago!" Hinampas niya ng towel niya si Edison habang tumatawa pero bigla rin naging seryoso ang itsura. "Badtrip ako dre, may lumapit kay Revi kanina sa school. Sa harap ko pa, di na nahiya ang kupal!"

Hindi na ko nagulat sa sinabi niya. Yung babae talaga na yun, lapitin ng gulo. Tsk.

"Sinuntok mo?"

"Gusto ko dre! Gustong-gusto kaso anong karapatan ko?"

"Ayan tayo sa karapatan e! I feel you bruuuh!" Tinapik ni Edison si Yñigo sa balikat at di ko napigilang matawa, tinulak kasi ni Yñigo si Edison palayo sakanya.

"Parang kang timang Edison, umayos ka nga! Ikaw sasamain sakin e."

"Bakit mo pa iisipin yung karapatan mo? E yung lalaki naman ang nag-inaso sayo ah? Tanga ba siya at di pa makaramdam na may bakod mo na yun?"

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon