Revi's POV:
Hindi na ko nakapagsalita nang hilahin ako ni Yñigo papunta sa garden ng bahay nila Hera. Nang bitawan niya ang kamay ko, tiningnan ko siya. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya.
"What's with you?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit? May mali ba sakin?" Tiningnan ko ang sarili ko simula paa pataas. I seem pretty normal. Actually, scratch that. I look gorgeous tonight, I'm sure.
"May mali ba sayo?" Pag-uulit niya sa tanong ko na parang di makapaniwala. "Revi, you're acting like your old self."
Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"So? What's the big deal? The me right now and the me before were both still me." I made those hand gestures to emphasize my point.
"The hell it is!" Kung kanina ay medyo kalmado pa ang itsura niya ngayon ay halata kong galit na galit na siya. Sa pagtaas palang ng boses niya at sa paghinga niya ng mabilis ay makikita na.
Napabuntong hininga ko, habang siya naman ay nakapamewang na at naglalakad ng pabalik-balik sa harap ko. Humakbang ako palapit sakanya at hinawakan siya.
"Yñigo," sinigurado kong malambing ang boses ko at hinawakan ko siya nang marahan as if afraid I might break him if I touch him harder. "Tumingin ka nga."
Hinawakan ko naman ang pisngi niya. Nung una ay inilalayo niya yun sakin kaya naman kinulong ko yun sa mga palad ko.
"Look at me," sabi ko sakanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago tumingin sakin. "Walang magbabago, okay?"
Ngumiti siya. Not a genuine smile but mocking one.
"You know how bullshit those things you said were?" Umiling siya. "Hindi mo alam kung paano ako kinabahan nang makita ko yung mga tingin sa mata mo nung kaharap mo yung babae na yun kanina. Hindi mo alam kung paanong araw-araw kong nakikita yun sayo noong elementary pa tayo. Hindi mo rin alam na yung parehong tingin na yun ang nakikita ko sa tuwing sinasabi ko sayo yung nararamdaman ko dati."
Tinanggal niya yung kamay ko sa pisngi niya and I think that's the most painful thing I've ever felt. I just felt my heart breaking with his words and actions.
"Yñigo," napalunok ako matapos kong sabihin yun. Hindi ko inaasahan na lumabas ang mga salita na yun gamit ang basag na boses ko. Nararamdaman ko na rin ang pag-init ng mga mata ko na parang anumang oras ay tutulo na ang mga luha na pinipigilan ko. "Yñigo, please."
Tumingin siya sakin. Not in the same way he used to in the past few days. It was a foreign look he was giving me as if he has only seen me for the first time. Kung akala ko kanina ay masakit na at wala nang isasagad pa ay nagkamali ako. Dahil mas lalo pang sumakit ang dibdib ko na para bang hindi ako makahinga at unti-unti akong nalulunod.
"Wala namang nagbago e, ako pa rin 'to. Ako pa rin yung Revi na nakilala mo." Tumingala ako at pasimpleng pinunasan ang mga luhang patulo na sana. "You do't know how much pain those people caused me."
Hindi siya sumagot. Hindi siya nagsalita at ni hindi siya makatingin sakin and it's funny how it reminds me of the people I manipulated before. The people whom I play pranks with. They all think of me as someone who can never change and will do no good. Just like kuya Rob. Kusang huminto ang mga luha sa mata ko at agad ko namang pinanusan ang mga luhang natira sa pisngi ko.
I faked a laugh. Natatawa lang ako, kasi sobra akong pursigido na magbago. Pero yung pagbabago na yun ay para sa wala pala. Dahil una palang alam ko na, na walang maniniwala.
"I almost believed you really feel something for me," sabi ko sakanya at tumingin siya sakin. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "But if you can't accept me for who I am right now, then you don't really love me ... or like me. Or whatever you want to call it."