Revi's POV:
Thankfully, nakalabas kami ng school ng hindi kami nahuhuli. Sinong mag-aakala na may daan pala sa may likod ng cafeteria?
Dumiretso agad kami nila Hera sa mall. Thank God, napaniwala namin yung guard na hindi kami mga high school students kaya pinapasok kami kahit na nakauniform kami.
Kahit na mabigat ang mga mata dahil sa pag-iyak, excited pa rin ako dahil ngayon ko na lang ulit nagawa ang magcutting. Ito na rin siguro ang first bonding namin outside school kaya di ko maiwasang matuwa.
Una kaming pumasok sa department store, umikot lang kami at nagsukat ng mga damit at binili yung mga sa tingin namin ay worth keeping. I had to say na kung isa si Hera sa mga initiates ko way back in Sacred, siguradong tanggap na siya based sa sense of niya. Hindi ko maikakailang pasado siya sa standards ko kaya nga hinayaan ko rin siyang ipili ako ng damit na bibilhin ko. Erin, on the other hand ... gave us a lot of headache dahil wala ata siyang ibang alam suotin kundi t-shirts and maong pants and such. My gaaaahd! I can't even look at the clothes she's picking. In the end, napilit namin siyang pagkatiwalaan kami sa pagpili ng dapat na sinusuot niya by threatening her na magagalit kami pag di siya pumayag. Nung mapagod kami, nagdecide na lang kami na magpunta ng Starbucks para magpalipas ng oras at magrelax. Umorder lang kami ng frappe namin tapos naupo na sa may sulok kung saan pwede kaming mag-usap ng walang naiistorbo.
"This turns from lame to a completely awesome day!" Hera said as she flopped down to her seat.
"Agreed!" Sabi ko nang umupo across sa inuupuan niya at si Erin naman in between namin. ( round table, mind you. )
As expected, hindi naman nagcomment si Erin at tahimik lang na kinuha ang iPhone niya sa bulsa niya. We ignored her as Hera and I chat endlessly about this year's prom. Nabanggit niya kasi sakin na kaklase niya ang vice president ng SB sa school at natanong niya daw dito kung anong theme ng prom. Sabi niya, last year masquerade daw ang theme. This year, mukhang black and white ball daw ang magaganap and I'm so excited for it! Feeling ko, isa ako sa mga artista sa Star Magic Ball. The only problem is, a girl can't go if she has not been asked by a guy.
"Seriously? Anong klaseng rules naman yan?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko sa sinabi ni Hera.
Nagshrug lang siya.
"Sabi nila, para daw mapilitan yung mga lalaki na wag pumunta basta-basta." Narinig namin na tinawag na ang pangalan namin pero nagprisinta na si Erin na siya ang kukuha.
"Eh paano kung ayaw pala ng mga lalaki lahat sumama? Nganga?"
"Hindi pwede, 30% ng final grade dun kinukha. Kaya lahat ng Juniors and Seniors compulsory ang attendance." Dinistribute ni Erin ang drinks namin without even saying a word at binalik lang ang atensyon sa phone niya.
Napapaisip tuloy ako kung ano bang pinagkakaabalahan niya na hindi man lang niya kami mapansin ni Hera dito.
"Eh paano yun? Paano kung hindi maganda? Edi nganga talaga? I'm pretty sure wala namang lalaki ang gustong hindi maging pretty ang ka-date nila." I said in a matter-of-factly tone.
"That's the point, kaya ang nangyayari imbes na yung boys ang mag-effort para magkaron sila ng partner sa prom yung girls pa tuloy ang gumagawa ng effort." She paused for a while at parang nag-iisip, napailing pa siya. "It's pathetic actually, kahit na hindi ko pa yun naranasan."
Yeah right, bakit nga ba namin pinag-uusapan 'to? It's not like I'm afraid that there would be no one to ask me, dahil sigurado naman akong meron. I'm not being an egotistic bitch here I'm just stating a fact. Maganda ako at alam ko yun. Why bother being humble, right? You should not be ashamed for being pretty instead, you should flaunt it while you have it. Hindi naman forever nagsstay ang ganda sa isang tao, pag tumanda ka na wala na yan.