Chapter 39

294 9 0
                                    

A/N:

7k words just for this chapter. Prom chapter, may kadugtong pa sa next UD. Play the song while you're reading it. Oh, and there's a picture of Revi and Kody at the top.

- Emaydi

Chapter 39

Revi's POV:

My heart is slamming against my chest in anticipation. Kanina ko pa gustong makita ang itsura ko habang inaayusan ako pero hindi ako pinayagan ni Ate Beauty. Gusto niya ay makita ko ang gawa niya pag tapos na siya. Gusto niya daw na pati ako ay masurpresa sa ayos ko, pumayag naman ako dahil alam ko naman na magaling siya.

Yes, he's the same stylist that we had on Ate Reah's wedding ... siya na rin ang kinuha nila Mama para mag-ayos sakin dahil nga nagustuhan namin ang serbisyo niya nung kasal ni Ate.

"Wait lang dear ha, kaunting tiyenelin na lang at tapos na 'ko ... sige, pikit lang." Nanatiling nakasara ang mga mata ko habang nakangiti.

Hindi ko na talaga mapigilan ang excitement ko, thinking how this night will go. It's not even my first time to attend JS Promenade, but I'm still excited ... not because of this event but because of the people I'll be with later on that event.

I'm excited to see Yñigo wearing his suit. He texted me earlier saying that he'll be here, 6pm sharp. 8pm pa naman ang Prom pero 1 hour ang byahe sa hotel na paggaganapan.

Magdadalawang oras na akong inaayusan at buti nalang naka-aircon ako kung hindi siguradong sira na ang make up ko sa sobrang init ng panahon.

Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko pero hindi ko yun tinitingnan dahil ayokong ako ang maging dahilan ng pagkasira ng make up ko. I want everything to be perfect, tonight. Mamaya ko nalang titingnan kapag tapos na akong ayusan. I'm sure it can wait ...

"Everything okay in here?" Napamulat ang mga mata ko nang tumigil si Ate Beauty sa pagme-make up. Sabay kaming napatingin kay Kuya Rob na nasa pinto.

Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Yes kuya, everything's under control."

Hopefully ...

Yñigo's POV:

"Oh sa hagdan naman!" Napangiwi ako kay Mama pero wala din akong nagawa kundi sumunod. "Ngumiti ka naman ng kaunti anak!"

Tsk! Dapat di ako nagbihis ng maaga e. Kung alam ko lang dapat kayla Percy na lang pala ako nagbihis ... Ayaw tuloy akong tigilan ni Mama sa pagpipicture.

"Ma naman! Last year naman napicture-an mo na ako e ..."

"Iba yun siyempre! This will be your last before you enter college! Pabayaan mo nga ako!"

Gaya ng sinabi niya ay pinabayaan ko na lang siya. Tsk, wala atang pwesto dito sa bahay ang hindi ko pa napupwestuhan. Gusto ata niya na picture-an ako sa bawat sulok ng bahay namin. Tsk!

"Surprise!!!!"

Inis na tumingin ako sa pinto namin. Nakita ko si Kody na nakatayo dun.

"Oh, anong ginagawa mo dito?"

"Grabe ka Ba, wala man lang I miss you? Tita oh!"

"Kody hija! What are you doing here?" Sagot ni Mama habang tinitingnan ang mga pictures.

"Tss, may pag-'I miss you' ka pang nalalaman diyan. Magkasama lang tayo kahapon!" Inayos ko yung butones ng sleeves ko sa kamay. Tsk. Ang sikip naman nito!

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon