Chapter 38

233 11 2
                                    

Chapter 38:

Revi's POV:

Kinuha ko ang phone ko para itext si Erin at Hera. Kanina pa kasi ako nandito sa mall pero wala pa rin sila. Ang usapan 2:30, pero 3:00 na ay wala pa sila!

I heard my phone beeped and I immediately swiped the screen to check if it was one of them who texted but I was wrong. It was Yñigo ...

From: Yoshi <3

San ka?

I bit my lower lip. Nakalimutan ko nga palang sabihin sakanya na magkikita kami ngayon nila Hera, palagi pa naman siyang nagagalit kapag hindi ako nagpapaalam. Nung inasar ko siya tungkol dun, sinabi lang niya na hindi pagiging clingy at obsess yun kundi gusto lang niya alamin kung nasaan ako para alam niya kung saan ako hahanapin kapag may nangyari sakin o anuman.

I shook my head. Minsan hindi ko alam kung boyfriend ang meron ako o pangatlong kuya ...

Agad akong nagtype ng reply ko sa text niya.

To: Yoshi <3

Nsa mall, hon. Sorry forgot to tell u. Y?

Wala pang ilang minuto ay tumunog na naman ang phone ko at lumabas sa screen ang pangalan ni Yñigo. Agad kong sinagot ang tawag niya at nilagay sa tenga ko.

"Hello?"

"Anong oras ka uuwi?" He sounded tensed, kaya napakunot ang noo ko.

"Ewan ko pa, wala pa nga sila Erin e. Bakit?"

"Wala naman. Wag ka munang umuwi okay? Hintayin mo 'ko diyan. Bye!"

"What? Why -- hello? Yñigo? Yñigo!" I glared at my phone. Inis! Binabaan ako! Ano bang problema nun?!

I hissed and put my phone down. I stared into nothingness while waiting for Hera and Erin. Ang tagal tagal sobra! Pag ako nainis iiwan ko na talaga 'tong dalawang --

"Revi!" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita silang dalawa na hinihingal pa at mukhang galing sa pagtakbo.

"Nangyari sainyo?" I asked, raising a brow as I stood up from my sit. Inubos ko muna yung frappe ko bago naunang lumabas sakanila.

"Ano ba yan? Hindi man lang kami pinagpahinga!" Reklamo ni Hera at sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung hindi kayo late you can have all the time to rest! Kanina pa ano diyan oh!"

"OA ka girl! 30 minutes late lang naman! Nagfinal fitting pa kasi ako!" Sagot ni Hera sakin at umirap na lang ako sa rason niya bago tiningnan si Erin.

"Uhm ... may emergency lang?" Nahihiyang ngumiti siya sa akin at namumula ang mukha. Alam ko na nagsisinungaling siya pero hinayaan ko na lang ...

Nawala na ako sa mood para magsalita dahil nga binabaan ako ni Yñigo ng phone. Promise, mamaya kapag tumawag siya ay ide-decline ko!

As planned, we headed straight to where we will get our nails done. Habang nakaupo kami at inaasikaso ay napag-usapan namin ang mga susuotin namin sa prom at ang promposal samin ng boys. Si Erin lang ang biglang tumahimik nang magsimula na kaming mag-usap ni Hera tungkol dun at naglaro na lang sa phone niya.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap tungkol sa surprise ni Edison kay Hera nung Valentines nang tumunog na naman ang phone ko.

I sighed and made a gesture for Hera to hold what she's saying before I grab phone inside my purse. Handa na sana akong i-decline ang call nang makita na si ate pala ang tumatawag at maging ako ay nasurpresa sa tuwang bumalot sakin nang makita kong tumatawag siya sakin.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon