Chapter 19

359 9 1
                                        

Revi's POV:

As soon as makalayo kami sa pinanggalingan namin at pakawalan niya ang magkahawak naming kamay ay hindi ko na pinigilan ang tawa ko.

I wasn't able to stop myself from laughing at his comeback. Napaka-childish kasi ng sagot niya kay Shawn to the point na hindi na nakapagreact yung isa sa sinabi niya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Masungit niyang tanong sakin at pinigilan ko ang pagtawa ko tsaka ako tumingin sakanya.

Umiling ako at ngumiti sakanya.

"Childish." Tsaka ko lang naalala na hindi ko pa pala siya nako-congratulate sa pagkapanalo nila. "Congrats nga pala!"

Tiningnan niya lang ako ng seryoso at nagiwas ng tingin habang nailing.

"Boyfriend mo?" Turo niya sa direksyon na pinanggalingan namin kanina. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya pero hindi ako nagsalita kaya naman tiningnan niya ulit ako. "Di bale na, wag mo nang sagutin."

Pagkasabi niya nun ay tinalikuran na niya ako at naglakad. Saan pupunta 'to?

"Oy, teka! Saan ka pupunta?" Hindi niya ko nilingon at nagpatuloy pa rin sa paglalakad kaya naman sinundan ko siya. "Seryoso ka iiwan mo ko dito?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Sumusunod ka di ba? Tanga." Aish! Napakalala talaga ng sayad nito sa utak!

Hindi na ko nagsalita at tahimik nalang na sumunod sakanya. Bumalik kami sa loob ng gym na wala nang tao. Si Hera at Erin na lang ang nandun kasama si Edison at Percy. Napansin kong nakabihis na sila pero si Yñigo hindi pa.

"Ayan na pala si Yoshi e!" Bungad ni Edison nang makita kami. "San ka galing dre?"

Hindi sumagot si Yñigo pero nilingon niya ko sa likod at sinamaan ng tingin.

"Bihis lang ako." Sabi niya bago dinampot ang bag niya at dumiretso na kung saan. Naiwan naman ako at lumapit kayla Hera.

"Ahhhh! Huhulaan ko, napahamak ka na naman no?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Edison. Mukha ba kong walking disaster? Inaamin ko naman na napahamak nga ako ngayon pero hindi naman siguro palagi at nagkakataong nililigtas ako ni Yñigo di ba? Am I right or not?

"San ka galing? Bigla bigla ka nalang nawawala akala namin umuwi ka na e." Tanong ni Erin sakin.

"Pauwi na dapat." Nilingon ko si Percy. "Uwi ka na sainyo?"

Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako ng masama.

"Chismosa ka talaga e no?"

"Uuwi na siya kasi sabi ko." Sagot sakin ni Hera habang nakatingin kay Percy, tiningnan din siya ni Percy nang walang emosyon.

"Tama! Uuwi na siya kasi lagot siya sakin kapag di pa siya umuwi!" Gatong ni Edison kaya naman sakanya lumingon si Percy. Lumakad siya papalapit kay Edison.

"Anong sabi mo?" Tinuro niya yung sarili niya. "Ako? Lagot sayo?" Tapos ay itinuro yun kay Edison. Ito na naman po kami sa mga away bata nila. I sighed.


"Pero! Hehehehe," inakbayan ni Edison si Percy, "pero siyempre Hera bago ko siya iuwi sainyo ay pupunta muna kami sa bahay ni coach!"

"Hmp! Sabi ko na nga ba kahit kailan ka talaga! Takot ka naman kay Percy e!" Naiinis na sabi ni Hera dito.

"Akong bahala! Promise kahit bugbugin ako nito iuuwi ko 'to sainyo! Uhh -- masakit yun ah!" Sinikmuraan siya ni Percy bago lumayo sakanya.

"Tigil-tigilan mo nga pagsipsip diyan. Di ka pa rin makakaligaw diyan, ulol." Sabi ni Percy at napangiwi lang si Edison.

Natawa ako dahil sa truth slap na natanggap ni Edison kay Percy. Napaka-harsh talaga nito kahit kailan ...

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon