Chapter 1

1K 23 0
                                    

Revi's POV:

Hayyyy ~

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang buntong hininga na ba ang binitawan ko simula kanina. Nakaupo ako dito sa dining area at naghihintay kay kuya Rain. Ihahatid niya ako sa Cayden University. Dun na ko mag-aaral at iiwan na ang Sacred Heart Academy kung saan ako nag-aral simula palang ng kindergarten days ko. Tapos kung kailan last year ko na sa high school tsaka pa ko lilipat ng school.

Hayyyy ~

"Bunso, ano? Tara na?" Nilingon ko si kuya na parang nagja-jogging habang pababa.

"Tara na, kuya." Walang kagana-gana kong sabi.

Bago kami makalabas nakita ko si ate Reah na papasok naman sa bahay. Kakauwi lang niya, dun na naman ata natulog sa office. Workaholic na siya.

"Oh? Himala? Nasaan yung always poised at confident na si Revi?" Bati niya ng makita ako.

"Tigilan mo ko ate, baka sayo ko ulit i-practice ang witchcraft and sorcery ko." Umirap pa ko bago kumapit sa braso ni kuya Rain.

Nakakainis naman kasi si ate! Pinapaalala pa! Nagbabago na nga ako e. Inaasar pa ko! Hays!

"Yan, kaya ka nabubully --" hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang sumabat si kuya sakanya. Buti nga!

"Reah ano ba yan? Tigilan mo na nga 'tong si Revi. Nakita mo nang natrauma e." Tumango-tango ako habang humahangang nakatingin kay kuya Rain.

Katarungan para kay Revi! Gusto kong isigaw kaso naalala ko wala nga pala ako sa mood.

"Fine, kaya nagiging maldita yang bata na yan masyado niyo kasing bine-baby." Umirap pa si ate sa amin bago pumasok sa loob. Binelatan ko lang siya. Hmp!

Hindi na kami nagsalita at inaya na ko ni kuya na sumakay sa sasakyan niya. Thirty minutes lang ang byahe mula sa bahay hanggang dito sa Cayden.

Bumaba na kami ni kuya at sasamahan pa niya ko sa mama ni kuya Tyron. Hayyy ~ Buti na lang at boyfriend ni ate si kuya kaya pumayag ang mama ni kuya Tyron na tanggapin ako kahit na magti-third quarter na.

Nauunang maglakad sakin si kuya Rain habang ako naman ay nakasunod lang sakanya. Hindi ko sure kung sino sa amin ang pinagtitinginan ng mga estudyante. Kung si kuya ba dahil sa masyadong pormal na suot niya o ako dahil sa maganda ako.

Hindi yan joke ah, wala nga ako sa mood para mag-joke di ba? Maganda talaga ako.

Hayyyy ~ iniisip ko pa lang ang buhay ko dito nakakalungkot na. Imagine? From Queen Bee to nobody. Sabagay, kasalanan ko rin naman. Kung hindi --

"Revi, saan ka pupunta?" Napatigil ako at napalingon sa likod ko. Kunot ang noo ni kuya Rain na nakalingon sakin habang nakahawak sa knob nung pinto sa harap niya.

Napasimangot lang ako bago bumalik sakanya at binuksan niya ang pinto at pumasok kami sa loob ng office.

"Good morning!" Napaangat ang tingin ko sa masiglang bumati samin. Nakaharang si kuya sa harap ko kaya naman gumilid ako para makita kung sino yun. "Sit down."

"Good morning Mrs. Ramirez," umupo kami sa magkabilang upuan katapat ng table ni Tita Eloisa.

Bakit ganun? Ang ganda pa rin ni Tita Eloisa kahit nasa early 50's na siya. Kung hindi ako nagkakamali ... Kaya ang gwapo ni kuya Tyron e.

"Good morning Mr. Mañago," nilingon ako ni tita at ngumiti sakin. "Good morning little Ms. Mañago."

Napangiti ako dun. Grabe kahit medyo matanda na si tita ang cool pa rin niya! Ang alam ko siya yung naging reason kung bakit nagkatuluyan si ate Reah at si kuya Tyron e.

"Good morning din po ti --" oo nga pala, dito na ko mag-aaral at siya ang Principal at may ari kaya naman kailangan ko siyang i-address formally. "Mrs. Ramirez." Tipid akong ngumiti sakanya.

"Are you ready to be an official Caydenian?" Nakangiting tanong niya sakin.

Okay I gotta say, ang corny nung tawag sa mga students dito pero hindi ko naman kailangan maging vocal about that di ba? I'll keep my mouth shut dahil wala na ko sa hive ko.

"Superb!" sabi ko sakanya.

"Mrs. Ramirez, thank you so much for accepting my sister here." Parang di malaman ni kuya ang salitang sasabihin at gusto kong umirap dahil dun. "Please don't hesitate to inform us, kapag may ginawa po siyang kalokohan."

Nanlaki bigla ang mata ko. What?! Really?! Anong kalokohan naman ang gagawin ko?!

"Don't worry about it, Rain. Anything for a family." Kumindat pa si tita kay kuya at napangiti si tita dun.

"Buti na lang hindi ko masyadong kinontra si Tyron noon. Good decision indeed,"

"Hoo, ang plastik mo kuya kami lang kaya ni kuya Rob ang boto kay kuya Ty." Umirap ako sakanya.

"Hoy! Di ah, loko 'tong batang 'to." Pinanlakihan pa niya ko ng mata.

"Whatever," nagcross-arms ako sakanya. "Umalis ka na nga, kaya na namin 'to ni tita. Di ba tita?" Tumingin ako kay tita at natatawang tumango ito sakin.

"Ugh, tita kayo na bahala dito kay Revi ha? Wag niyo pong hayaan na mamaldita na naman."

Tumango na lang si tita habang ako naman ay umirap at lumabas na si kuya Rain ng office at naiwan kami ni tita sa loob.

"Oh ano, hija? Halika na at ihahatid na kita sa room mo?" Ngumiti ako sakanya at tumango. Tumayo kaming dalawa.

Pero bago pa kami lumabas ay biglang may nagbukas ng pinto isang lalaking panot at may tangay na estudyanteng lalaki. Nakahawak siya dun sa kwelyo sa parteng batok nung estudyante at galit na galit.

"Mr. Noher, anong ibig sabihin nito?" Gulat na tanong ni tita bago ako hinawakan sa braso at medyo inilayo.

Agh, sinisilip ko pa naman yung itsura nung estudyante kasi parang pogi siya. Yung hair style niya kasi ang lakas ng dating. Kaso di ko makita dahil nakayuko siya.

"Mrs. Ramirez hindi na po kayo dapat magulat, isang estudyante lang naman ang pinaka sutil dito! Itanong niyo sakanya kung anong ginawa niya!" Binitawan niya yung estudyante at marahas na tinulak.

Napataas ang kilay ko. Is that even legal? Kung makapanakit siya ng estudyante parang akala mo kriminal yung hawak niya kanina. Cruel panot.

Nag-angat ng ulo yung estudyante at --

"Yñigo?!" Oh em gee.

A/N:

Hiiii! Meron na kong napiling character na gaganap na Yñigo ( inyigo ) at Revi. Dahil super nakyutan ako sa love team nila Krystal ng f(x) at Kang Min Hyuk ng CNBlue, sila na ang gaganap. Hihihi *u*

* MID

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon