Chapter 40

259 13 0
                                    

Chapter 40

Revi's POV:

I imagined this day to be as perfect as possible. I see to it that I never missed anything not a tiny bit. I want this to be perfect for me and Yñigo. Ito na kasi ang huling promenade namin at ito na rin ang huling year namin sa high school. But everything went wrong from the moment I saw her.

Hindi ko akalain na mas matindi pa pala ang inis na mararamdaman ko kapag nakita ko na siya sa personal. There's something about her that makes me want to release my inner beast.

Kanina pa kami nasa byahe at walang nagsasalita. Nakatingin ako sa labas ng bintana at pinapanuod ang mga nadadaanan naming lugar. Anything to maintain my peace. I just can't look at Yñigo without feeling annoyed by his surpise meet-the-bestfriend thing. Bukod sa hindi ko alam na may bestfriend siya, I never pegged him as someone who has a bestfriend that's a girl. I always thought he's with Edison and Percy since he went to another school but looks like I'm wrong.

Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko. Lumingon ako para tingnan yun, he gave it a slight squeeze and I looked at him. Worry etched on his face as I stare at him. Alam ko na gusto niyang i-assure ko siya na okay kami. But I'm not. I imagined this night to be ours. Him and me. No one else ...

Iniiwas ko ang tingin ko sakanya at tumingin na ulit sa labas. Hinayaan ko na lang siyang hawakan ang kamay ko hanggang sa makarating kami.

Nang makarating kami ay una siyang bumaba at patakbong pumunta sa kabilang side ng sasakyan. Naiwan kami ni Kody sa loob. Akala ko ay pagbubuksan niya ko ng pinto pero nagulat ako nang mauna niyang pagbuksan si Kody kesa sa akin. Nagtiim ang bagang ko sa ginawa niya. Nang makababa ang bestfriend niya ay pupunta sana siya sa akin para pagbuksan ako ng pinto pero inunahan ko siya. Muntik pa siyang matamaan sa biglaang pagbukas ko ng pinto at nakita ko naman ang gulat na expression sa mukha ng bestfriend niya nang makababa ako. Parehas silang nagulat sa inasta ko but I maintained emotionless, staring straight back at them.

"Revi --" he started but I cut him off.

"Restroom lang ako." Binuhat ko ang laylayan ng gown ko para hindi ako madapa at dire-diretsong pumasok sa venue.

Nang makarating ako sa restroom ay dun lang ako nakahinga ng maluwag. Ni hindi ko man lang namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang sarili ko na huminga ng maayos. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko at hindi ko alam kung paano ilalabas yun. I wanted this day to be so damn perfect that I can't even have an argument with Yñigo right now. Ayoko siyang awayin dahil alam ko na mauuwi lang lahat sa wala pag ngayon ako nagalit.

I took my time inside the restroom at nang makalma ko na ang sarili ko ay binigyan ko ng isang tingin ang sarili ko sa salamin. Huminga ako ng malalim at lumabas. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Yñigo na nakasandal sa pader sa tapat nun at nakatingin sa sahig.

Nag-angat siya ng tingin nang makalapit ako. He didn't speak but I can see the sadness in his eyes. Para naman akong natutunaw dun, paano ako magagalit kung hindi ko matiis na ganito ang itsura niya?

"Nasaan na yung kasama mo?" I asked, trying to hide the annoyance in my voice.

"Umalis na." Umayos siya ng tayo at hinila ako sa bewang palapit sakanya. Hinawakan niya ang pisnge ko at pinaglapit ang mukha namin. My heart skipped a beat, I'm never gonna get used to him having this close to me. Akala ko ay hahalikan niya ako kaya napapikit ako, he leaned his forehead to mine instead. "I know you're mad ... I'm sorry."

I sighed and nodded. "Let's talk about this next time."

Tumango siya at inilayo ang magkadikit naming noo. Inangat niya ang baba ko gamit ang dalawang daliri niya para titigan ako sa mata.

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon