Revi's POV:
I never liked any sports for many reasons. Una na dun ang crowded place kapag manunuod ka ng isang game, for example ay basketball. Sa loob ng isang stadium kung saan nagko-consist ito ng daan-daang tao o libo-libo ang manunuod sa isang laro. ( depende kung anong team ) at siyempre kapag maraming tao ay maingay, mainit, mabaho at ... magulo. Ako pa naman yung tipo ng tao na ayokong nakikigulo. Sanay kasi ako na ako ang pinagkakaguluhan.
Pero ngayon ay napilitan akong sumama kayla Hera at Erin na manuod. Ito kasing teacher namin sa P.E. ay ginawang project ang attendance namin for this quarter sa panunuod ng first game ng Cayden. Hindi pa nakuntento at pinagawa pa kami ng sari-sarili naming pompoms. Hindi naman ako gumawa dahil may binigay sakin si Yñigo. Cartolina siya pero di ko pa binubuksan dahil bilin niya sakin buksan ko daw sa loob na ng gym. Kami ang host kaya naman nangangahulugang sa amin dadayo ang players. Gaaahd do I really have to tell all the details? Kinailangan pa tuloy naming umattend ng klase sa umaga.
"Nakakainis talaga." Nakahalumbaba ako at naka-indian sit sa lapag habang nagle-lesson ang teacher namin sa English. Siniko ako ni Hera kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Ano yan?" Nginuso niya yung cartolina sa tabi ko at tiningan ko yun sandali bago ibalik ang tingin ko sa teacher namin.
"Cartolina ata para mamaya. Ewan ko di ko pa tinitingnan."
Ngayon ko lang nalaman na si Hera pala ang tipo ng estudyante na hindi nakikinig sa lecture pero pumapasa. Ewan ko paano niya nagagawa yun dahil ako, kapag hindi nakinig sure nang magsa-summer ako. Ewan ko ba, bakit hindi ako naging matalino. Magkasama kami ngayon dahil pinag-collaborate na kami sa lahat ng section ng fourth years dahil nga irreg ang pasok namin ngayon.
"Wag mong buksan." Pinigilan ko agad yung kamay niyang ipang-aabot sana sa cartolina. "Mamaya pa daw, sabi ni Yñigo."
"Galing kay Yñigo?" Parang gulat na gulat na tanong niya, tumango lang ako sakanya. "Weird, binigyan din kasi ako ni Edison para daw di na ko gumawa ng pompoms."
Hindi ko na siya sinagot dahil gusto kong makinig sa lesson. Nagpapakatino na nga kasi ako, hindi lang halata. Speaking of pompoms, ito kasing teacher nga namin ulit sa P.E. na favorite ko atang topic ngayon ay pinapili lang kami kung cartolina or pompoms since binigyan naman kami ng cartolina nung dalawa, hindi na kami nag-effort na gumawa ng pompoms. Ano kayang ginawa ni Erin?
Hindi namin kasama si Erin dahil nasa auditorium sila nagkaklase. Kami kasi ay nasa film room kasi nanunuod kami ng debate. Junior at Senior lang ang required mamaya manuod kaya nga inggit samin yung lower years. Ano naman ang nakakainggit mastuck sa isang lugar na puno ng nagtitiliang fangirls?
"Okay Seniors, after you eat your lunch you may proceed to the gym. May maga-assist sainyo dun na faculty members para sa alloted seats niyo. You may all go."
Tumayo na kami ni Hera at naglakad papuntang cafeteria.
"Nasan kaya si Erin?" Tanong ni Hera at nagkibit balikat lang ako.
"Bibili ko na rin siya ng pagkain. Para dire-diretso tayo." Sabi ko kay Hera bago kumuha ng tray. "What's yours? The usual?"
Tumango siya at aalis na sana ako nang magsalita siya.
"Okay ka lang?" Nilingon ko siya at binigyan lang siya ng nagtatakang tingin. "Parang may nag-iba kasi sayo. You seem a bit ... odd."
"Ano?" Okay mas lalo akong naguluhan sakanya. I don't think I'm being weird. I just ... feel that something's going to happen. And I think I'm not gonna like it.
"Wala lang parang ang bait mo?" Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero di ko na lang pinansin ulit at pumila na sa usual na binibilhan namin ng pagkain namin.