Chapter 6

458 12 4
                                    

Erin's POV:

Pumasok ako ng maaga ngayon dahil may kailangan akong hanapin sa library. Dumiretso muna ako sa classroom namin para iwan sana yung bag ko kaso lang may nadatnan akong hindi kanais-nais.

Andun na naman si Percy sa classroom namin. Napapadalas na ang punta niya dito dahil meron siyang hinaharot sa section namin. Si Adelaine. Tama lang yan, bagay na bagay sila.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy-tuloy na sa upuan ko, inilapag ko ang bag ko dun. Hindi ko maiwasang marinig yung usapan nila dahil malapit lang sila sakin. Nakaupo pa si Percy ng pabaliktad dun sa upuan kaharap ng upuan ni Adelaine.

"Ano na kailan mo na ko sasagutin?" Di ko alam kung guni-guni ko lang yun o talagang may kasamang pagpapacute yung boses niya.

Eto namang si Adelaine parang may iniipit na kung ano dun sa baba niya at kanina pa siya di mapakali at nakayuko. Halatang nagpipigil kiligin kay Percy. Anong kakilig-kilig sa mga taong kagaya niya? Juice colored! Walang-wala! Aanhin mo naman ang mukhang nakakaakit kung ang ugali naman napaka pangit! Oh di ba? Makapag rhyme lang.

Lalabas na sana ako para di ko na marinig ang pagpapa-cute nila sa isa't isa nang tawagin ako ni Percy.

"Hoy Erin!" Nagkunwari akong walang narinig at nagtuloy-tuloy sa paglabas. "Hoy! Bingi ka ba?"

Napapikit ako at sinira ang mga kamao ko. Kung kasing tapang lang ako ni Ate Hera at Ate Revi, kanina ko pa siguro sinigawan ang isang 'to. Sinigurado ko muna na walang emosyon ang mukha ko nang harapin ko siya.

"Bakit?" Nasa harap ko na siya at kinailangan ko pang tumingala ng kaunti dahil maliit ako. Hays! Bakit kasi ako maliit?

"Nasaan si Hera?" Nakangisi pa siya at nakakabwiset ang mukha niya.

Simula nung nangyari sa canteen, dun ko lang narealize na sobrang sama talaga ng ugali nila. Wala nang kasing sama pa.

"Ewan ko. Bye!" Tatalikod na sana ako kaso bigla niya kong hinila ulit paharap sakanya. Magsasalita sana siya kaso inunahan ko na siya. "Percy, di ba obvious na ayokong makipag-usap sayo?"

Sa totoo lang gusto kong isigaw sakanya, pero hindi ako palasigaw. Sa bahay namin, walang sumisigaw at walang nagagalit. Lahat kami kalmado lang.

"Percy?" Nagtatakang tanong niya. "Bakit Percy lang? Mas matanda ako sayo ah? Si Hera nga tinatawag mong ate e!"

"Kasi nirerespeto ko sila." Simple kong sabi, sana lang wag niyang itanong kung siya ba nirerespeto ko dahil hindi niya magugustuhan ang isasagot ko.

Tinaasan niya ko ng kilay.

"Anong karespe-respeto dun sa taong yun?" Umiling siya. "Ako ang dapat mong respetuhin!" Proud na proud niya sabi.

Ako naman ang nagtaas ng kilay pero saglit lang. Hindi ako sanay na magtatay talaga e. Nagtataka nga ako paano ako naging close kayla Ate Hera at Ate Revi. Eh hindi naman ako kaugali nilang dalawa. Hindi naman sa sinasabi kong masama sila ha, magkaiba lang ang personality naming tatlo. Pero silang dalawa hindi nagkakalayo.

"Anong kare-respeto sa taong tulad mo?" Binawi ko ang kamay kong hawak niya at dali-daling lumabas. Hindi ko na siya hinintay na sumagot.

Sa totoo lang takot na takot ako na baka patulan niya ko. Buti nalang, nakaalis na ko.

Hera's POV:

Maaga akong pumasok dahil nabwiset ako sa ingay ng mga tao samin. Nag-aaway na naman si mama at ang step dad ko. Nakakatorete na! Bakit di na lang sila maghiwalay kung di na sila magkasundo di ba?

Not for RejectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon