2-Bar

1.7K 43 3
                                    

"Sis!" matinis na sigaw ni Dale ng makita ang ilan naming mga kaibigan. Malakas ang music dito sa bar pero mas malakas pa rin ang bunganga nito. Napailing na lang ako sa inasal niya at maiging sumunod sa kanya papunta sa table na ni-reserve na nila.

"Aba Miriana... dalaga ka na talaga. May pa slit na ang suot nating blue dress," nakakalokong sabi ni Richard na inabutan ako ng drink. Kinuha ko naman 'yun at tumabi sa kanya.

"Ano ka ba sis, hayaan mo na para naman magka-jowa na 'yan," sagot ni Liana na nagpa-irap sa'kin.

"Mga sis, kung ako sa inyo huwag niyo 'yang lokohin. Wala 'yan sa mood," sabi ni Dale na ikinatawa ng lahat.

Umakbay sa'kin si Richard na hinayaan ko lang dahil sanay naman na ako. "Bakit sis? Ano bang nangyari?" tanong nito.

Sinandal ko ang ulo ko sa kamay niyang nakaakbay sa'kin bago uminom sa hawak kong glass. "Let's just say na-stress ako sa school."

"Sa lagay na 'yan? Mukha ka kayang blooming."

Nagkibit balikat ako sa sagot niya.

"Iinom mo na lang 'yan, nandito tayo para mag-party hindi sumimangot."

"Ang sabihin mo para maghanap ng lalaki," gatong na sabi ni Liana sa biglaang sabi ni Dale.

"Syempre 'yun ang first! Siya... siya, maiwan ko muna kayo rito, doon muna ako sa dance floor," malanding sabi ni Dale na umalis sa table namin. Sumunod sa kanya ang iba na pinanood lang namin.

Ang ending? Kaming dalawa ni Richard ang naiwan dito.

"'Yang kamay mo," may pagbabanta kong sabi ng maramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko.

Hindi kasi siya gay lang, he's bisexual kaya mabilis din siyang ma-attract sa girls. Kung tutuusin mas gusto niya ang mga babae kumpara sa mga lalaki. Mapili siya kapag lalaki ang usapan.

"Hahaha... why? I'm just being respectful."

Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya dahil ubos na ang laman ng iniinom ko. "Nako Richard, tigil-tigilan mo ako sa mga paganyan-ganyan mo."

Gusto ko sanang lagyan ng bago ang baso ko kaso naunahan na ako ni Richard at siya na mismo ang naglagay.

Base sa nakikita ko sa kanya, masyadong mapang-akit ang mga tingin niya sa'kin ngayon at alam na alam ko ang gusto niyang iparating.

He's always like that kapag kaming dalawa lang ang natitira. I don't know if he likes me or he just want sex. He even kissed me one, three times or even more when no ones around pero hanggang doon lang dahil pinapatigil ko na siya agad.

He's my friend and I trust him more than anyone else just like Dale, but I know my limits and he knows it too. Sadyang minsan, hindi niya maiwasan ang tawag ng laman. Kung tutuusin, because of him natuto akong humalik but not having sex.

"Come on Miriana..." bulong niya kasunod ng paghaplos ng kamay niya sa legs ko. Kahit na anong gawin niyang pang-aakit wala talagang effect sa'kin.

Ewan ko, because he's my friend?

Hinawakan ko ang kamay niya ng malapit na niyang maabot ang hindi dapat maabot. Tinitigan ko rin siya sa mata niya at umiling. Sumimangot siya sa naging asal ko at mukhang sumurrender.

"Hindi ko talaga maaakit ang isang De Guzman na katulad mo," natatawa niyang sabi. Nagsalin siya ng inumin sa isang baso at ininom 'yon.

"Maybe you can, kung hindi kita kaibigan." Muli akong sumandal sa kamay niya, comfortable ako kapag sumasandal ako sa kanya. Hindi siya chubby or mataba kung 'yan ang iniisip niyo.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon