42- Almost

220 11 0
                                    

Author's POV.

Napuno ng tensiyon sa pagitan ni Miriana at Mrs. Berkshire. Nag-aalala si Richard sa kalagayan nito ngunit nang makita niya kung paanong walang pasabi niyang pinaputukan ang ginang, nagulat siya. Lalo na sa mga tingin na binibigay niya rito.

Kung kanina'y nanginginig ang kamay ni Miriana habang hawak ang baril. Ngayon ay wala na lang ito sa kanya na nagpaparamdam ng tuwa sa ginang.

"This is why I'm so proud of you, sweetie. You don't think twice about killing a person." Lumapit ang ginang kay Miriana saka dinikit ang ulo nito sa dulo ng baril. "I am so proud that I want to bring you back to our home."

Diniin ni Miriana ang baril sa noo nito. "Go back to where you came from. Don't expect me to go with you."

"Then pull the trigger so you can have freedom, sweetie."

Imbis na iputok ang baril, hinampas niya ito sa mukha ni Mrs. Berkshire.

Gulat ang namayani kayla Remi sa naging kilos ng dalaga. Wala sa tamang pag-iisip si Miriana kaya niya ito nagagawa ngayon.

Pinunasan ni Mrs. Berkshire ang dugo sa labi nito bago tumawa ng mahina. Inayos niya ang kanyang tayo, namamanghang makita ang walang kabuhay buhay na mga mata ng kanyang anak.

"The demon within you has awakened." 

Ngumisi si Miriana sa sinabi ng ginang. Isa-isa niyang inalis ang parte ng baril saka ito hinulog sa sahig.

"But I won't be like you. Umalis ka na, tapos na ang usapan."

"Kahit na patayin ko silang lahat sa harap mo?" banta nito na hindi man lang nagpakurap sa mata ni Miriana. Nakatitig lang ito sa ginang na parang walang pakialam.

"Then kill them." Humalukipkip pa ito bago lingunin sila Richard na kunot noong nakatitig sa kanya.

It may seem like she don't care, but deep down, she's afraid that her mother will kill them like she said.

Mahabang katahimikan ang nangibabaw sa silid, tanging paghinga lamang nila ang pumuputol ng katahimikan. Walang nagsasalita, at tanging nakikiramdam sila sa mga susunod na galaw.

"Hahahaha..." tawa ng ginang na naglakad palapit sa kanyang anak. Hinawakan niya sa balikat si Miriana na agad nitong tinabig. "Your memories will come back darling. But for now... I'll do what I already said about the deal. After your wedding you will come with me in America. We have a lot to talk about, so make sure you'll come as you promised. Because if you don't... I'll grant your wish to kill them all. Bye honey, see you after the wedding."

Hinalikan niya pa saglit sa pisngi si Miriana bago naglakad palabas ng living room kasama ang mga tauhan nito.

Kusang napaupo sa sofa si Miriana sa nangyari. Napakuyom din ang kamao nito dahil maski siya'y hindi niya alam kung paano niya 'yun nagawa. Parang napatunayan na rin niya na kaya niya nga talagang pumatay ng tao.

Patakbong lumapit sa kanya si Richard na tinignan ang kanyang kalagayan. Habang sila Remi naman ay pinapanood lang si Miriana. Nag-iisip kung anong pwedeng gawin, kahit na parang wala naman talaga.

Masyadong delikadong tao si Mrs. Berkshire dahil nakita na nila 'yon. Sa sobrang delikado, sa oras na malaman ng kanilang ama ang tungkol sa totoong pagkatao ni Miriana. May tiyansang tumutol ito sa kasal na magaganap.

Miriana's POV.


Napabuntong hininga ako habang pinapanood na masunog ang mga litratong iniwan ni Mrs. Berkshire. Ayoko siyang tawaging ina sapagkat hindi 'yon nararapat para sa kanya.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon