39- Biological Mother

291 10 0
                                    

"Anong mas gusto mo?" tanong ko kay Richard. Pinakita ko ang ilang pictures para basehan ng design na gusto namin sa mismong reception.

Ito ang inuuna namin dahil pareho naming napagdesisyunang ihuli ang simbahan. Ang date naman ng kasal ay sa April 26. Meaning, two weeks from now pwede na naming matawag ang isa't isa na mag-asawa.

Sana next month pa which is May, pero minadali na namin para matutukan ang pub na ipapatayo.

"Ikaw."

Natigil ako sa paglipat sa sinabi niyang 'yun. Narinig ko pang natawa ng mahina ang wedding planner habang sila Dale at Tita ay malawak ang ngiting binigay sa'kin.

"Ayusin mo nga ang sagot mo," halos pabulong kong sabi.

Pilyong ngiti ang sagot niya bago kunin sa'kin ang lalagyan ng pictures na pinagtitignan namin. "Magaganda naman ang lahat, but... no matter how beautiful it is. Mas maganda pa rin ang bride---I mean wife. Kaya kahit na anong decorations, it's fine. Because she will be the only one to shine that day. My eyes will only see her."

"Nagmana 'yan sa Daddy niya," bulong ni Tita.

Minata ko ito pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Ang swerte naman po ng magiging asawa niyo," biglang sabi ng wedding planner.

"Mas swerte pa rin kami sa kanya. She's beautiful, smart and my second daughter to be," sagot ni Tita.

Kung pwede na akong umalis dito? Kanina ko pa ginawa, masyado akong nahihiya sa kanila sa totoo lang.

"Yeah... swerte dahil may auto breakfast itong si Richard. Delectable and mouth watering." Singit ni Dale na pinupunto ang nakita niya kanina.

Nako... sisiguruhin ko talagang makakatuluyan niya si Aurora para siya ang tatawanan ko.

"Let's go back to the topic, masyado na tayong lumalayo," suko kong sabi na mas nagpatawa sa kanila.

Lagot ka sa'kin Richard, lagot ka talaga. Ikaw ang nagsimula nito.

I know he's sweet like he always do. Pero sumobra ata ang nakain nitong asukal.

"Ah... yes. As I say, we can mix the entire reception genre. It is up to you two what theme you would like. Those photos are just an example of the places we have already done. After that, we can proceed to the preparation of invitations, food tasting. If you wish, the chef can give you recommendations based on your taste. That is why we will have a food tasting to be prepared. The next thing we will do is decide the design of your wedding dress and groom suit. Then the clothes of the people in the entourage. And just what you said ma'am, the church preparations will be the last to be decided, the same with the song that you both want."

Parang nahilo ako sa rami ng kailangang gawin. Hindi pala madaling magpakasal, akala ko hindi ganito karami ang dapat asikasuhin at gawin.

"Don't worry iha, kasama mo ako sa paglakad lahat ng mga ito," sabi ni Tita nang mapansin niyang wala akong nasabi.

"Ahm... can we change this? What I mean is, unahin na lang natin ang tungkol sa church bago ang mga nauna. Dahil sa ngayon, parang 'yun dapat ang inuuna." Nilingon ko si Richard para kunin ang masasabi niya sa desisyon ko. Syempre ayoko namang ako lang ang magdesisyon ng lahat.

"Mas mabuti pa nga. Can we see the list of churches we can choose from?"

▪▪▪

Nilapag ko sa mesa ang mga niluto namin ni Richard. Nandito kasi sila Ate Remi kasama sila Tito para pag-usapan ang engagement party na mangyayari three days from now.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon