24-Life Ruined

305 22 0
                                    

Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at niluwa nito si Dale na seryoso ang mukha. May binato siya sa'king phone na tinignan ko lang. "Ayos lang naman sa'king hindi mo sabihin kung sino ang karelasyon mo. But I think you don't even consider me as your friend at all," seryoso niyang sabi.

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya mabilis kong kinuha sa paanan ko ang phone. Lumaki ang mata ko ng makita ito at halos manginig sa panghihina.

"Anong nangyayari?" singit na tanong ni Ate Remi pagpasok nito sa kwarto.

"Dale..." takot kong tawag dito pero tinignan niya lang ako ng blanko.

Lumapit si Ate sa'kin at inagaw ang phone.

'Sinong kumuha nito?'

Nasa site ng school ang pictures namin ni Castriel noong nasa Amanpulo kami. Kalakip din nito ang ilan pang litrato na kuha sa labas ng office niya. Pati na rin ang araw na sinubukan niya akong yakapin sa hallway. Parang lahat ng mga araw na kasama ko siya'y walang pinalampas ang taong nag-post nito.

"Sino ito?"

Walang pumansin sa tanong ni Ate.

"Akala ko busy ka dahil katulad ng sinabi mo kailangan mo ng income. Why do you have to lie to me Miriana? You know how much I hate people who lie. Kaya pa sana kitang i-congrats because your dreams came true, but you are a liar."

"Dale!" sabat ni Ate Remi.

Hindi ko alam ang sasabihin, tama siya, I'm a liar. Sa tagal naming magkaibigan dapat hindi na ako nagtatago ng sekreto sa kanya.

But I made the wrong move, just because I thought my life would be perfect, I did not say anything. I am overwhelmed by all the efforts Castriel made to me, but I think I chose the wrong path.

Whoever posted this could be happy that my suffering starts right now.

BZZZT... BZZZZT...


Napatingin ako sa phone ko ng magsimulang mag-vibrate ito. Alam kong hindi ito text dahil sa tuloy-tuloy na pagtunog. Kinuha ko ito sa mesa't walang pagdadalawang isip na sinagot ang tawag.

"H-hello?"

"Ms. De Guzman, you need to come to the guidance office. And please come with your guardian or parent. We have to talk about this serious issue on the site regarding your teacher and student's relationship with Mr. Ybañez."

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Nabitawan ko ang phone ko na hindi man lang nakakasagot sa kabilang linya.

▪▪▪

"Is that the girl in the photo?"

"Malaking eskandalo ito sa buong school. How can she manage to come here?"

"Pustahan tayo, inakit niya si sir Castriel. Napakabait kaya ni sir tapos sisirain lang ng babaeng 'yan."

"Hindi ba siya 'yung kaklase mo sa taxation?"

"Nakakaawa naman... paniguradong hindi siya makaka-graduate sa nangyari."

"Makapag-judge ang iba, parang alam nila ang totoo. We don't know what happened kaya mas maganda kung manahimik na lang."

Napangiti ako ng mapait sa huli kong narinig. So there are people like her.

"Chin up Miriana," utos ni Ate Remi na katabi ko lang ngayon.

Siya ang tatayong guradian ko dahil wala naman akong maaasahang pamilya. I'm all alone in the first place.

Ilang hakbang na lang ang natitira palapit sa office ng mapahinto ako. I didn't expect this to happen, all I want is to have a great life after graduation. I feel so stupid for getting to this point.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon