6-Letting him

1.1K 32 1
                                    

Hindi ako gumalaw kahit na patuloy niya pa rin akong hinahalikan. Masyadong magulo ang utak ko para mag-isip ng maayos. Napakainit ng mga halik niya at natutukso akong halikan siya pabalik.

Napakapit ako sa kanya ng alisin niya ang isa niyang kamay sa bewang ko at ilipat ito sa gitna ng hita ko. Pinadaan niya lang ang kamay niya rito pero ramdam ko ang init na humaplos sa aking hiwa kahit na may suot akong pantalon.

'Gosh Miriana! You're crazy!'

Napatitig ako sa mata niya ng tumigil siya sa paghalik. Para bang marami siyang gustong sabihin, pero ni isang salita walang lumalabas sa kanyang bibig.

Siya ang lasing pero parang ako ang nalalasing sa mga titig na pinupukol niya sa'kin. Nag-iinit ang katawan ko at para bang may nagtutulak sa aking angkinin muli ang kanyang labi.

Umiling ako sa naisip ko. Inalis ko ang kamay kong nakahawak sa balikat niya saka tumayo.

"Miriana..." nakakaakit niyang tawag sa pangalan ko kasabay ng paghawak niya ng kaliwa kong kamay para ako'y pigilan.

"Bumalik na po kayo sa pagtulog."

Kailangan kong pigilan ang sarili ko. This is not right.

"Hanggang kailan mo ako ituturing na professor mo lang Miriana?" Humigpit ang hawak niya sa kamay ko na nagpapikit sa'kin.

Just go Miriana! Run!

"Kailan... kailan mo ako tatawagin sa pangalan ko? Katulad ng pagtawag mo sa pangalan niya..." tila sa bawat salitang binibitawan niya ay sobra na ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Because he's my friend."

Nakarinig ako ng mapait na tawa. Kahit ayaw ko siyang tignan, kusa akong humarap sa kanya.

Paghanga na lang ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya? O mas humigit pa ng hindi ko namamalayan?

"Then should I ask you to be my friend? For you to call me by my name?"

"Si--"

"It's Castriel, Miriana. Castriel."

Sa itsura niya ngayon, parang nagmamakaawa pa siyang tawagin ko siya sa kanyang pangalan. Inalis niya ang kumot na nasa isa niyang hita saka tumayo kaya ngayon nakatingala ako sa kanya.

Gamit ng isa niyang kamay, hinawakan niya ang pisngi ko saka marahang hinaplos ito na nagpadagdag ng init na aking nararamdaman.

Hindi ko dapat nararamdaman ito, not for him.

"Come on Miriana... say my name. Call me by my name."

Lahat na ata ng balahibo ko sa katawan ay umangat ng idaan niya ang isa niyang daliri sa labi ko. Isama niya pa ang paraan ng pagtitig niya na dapat hindi niya binibigay.

I hate being weak. Lalo na sa kanya, just because of one kiss nagiging ganito na ang epekto niya sa'kin. Nagiging blanko ang utak ko at tanging siya lang ang nakikita ng mga mata ko.

"C-castriel..."

Sa unang pagkakataon, nahirapan akong tawagin siya sa kanyang pangalan.

Sanay na akong tawagin siya pero never in my life have I called his name without the word "sir" in it. It sounds new to me, but I like it.

Gumuhit sa labi niya ang isang ngiti.

"Oh ghad!" gulat kong tili ng buhatin niya ako. Napakapit pa ako ng maigi sa kanya sa bigla na lang niyang pagbuhat sa'kin ng walang pasabi.

"Did you know that it is dangerous if a girl calls me by my name?"

"What do you mean?" may pagtataka kong tanong.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon