25-Dead Bodies

336 17 1
                                    

"Punyeta 'wag mo akong pangaralan! Ikaw ang umalis kaya kasalanan mo 'yan!" Rinig kong sigaw ni Ate Remi sa labas ng kwarto.

"Kumain ka muna, walang kulay ang mukha mo." Hinarap ni Dale sa'kin ang kutsarang may lamang pagkain. Ngunit kahit gaano ito katakam-takam ayaw tanggapin ng sistema ko.

Napabuntong hininga siya at sukong binaba ang kutsara. Nilapag niya pa ang tray na may lamang pagkain sa mesa bago ako tabihan at hilain palapit sa kanya para yakapin.  "Hindi ko alam na ganun ang ugali ni sir Castriel. I believe in you Miriana, I know you very well."

Humigpit ang pagsikip ng dibdib ko. Nakakahinga ako ng maayos pero dahil sa nangyayari, pabigat ito ng pabigat.

Bumagsak ang dalawa kong balikat nang maramdamang naluluha na naman ako. Dumugo ang paa ko kung saan bumaon ang bubog na agad ginamot ni Ate. Kasama na roon ang sugat sa tuhod ko ng ako'y lumuhod kanina. Ngunit kahit gaano kahapdi at sakit ang mga ito, walang wala pa rin ito sa nararamdaman ko ngayon.

He has that smile that makes me feel calm and happy all the time. The efforts that he made make me feel like the happiest woman in the world. The warmth of his body when he hugged me tightly and the kiss we shared makes it so real. That I can't even imagine being in this situation.

He's my first, but now, he makes everything as my worst nightmare.

"Ssshh... ayos lang. Magiging ayos din ang lahat." Paghahaplos ni Dale sa buhok ko.

Did he even know how much pain I am feeling right now? Should I be grateful for not admitting to myself that I love him?

Or am I just kidding myself because I fall in love with him so hard that even my heart knows that I love him.

▪▪▪

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. Sa loob ng panaginip, hinahabol ako ni Castriel na puno ng tawang nakakatakot. Parang totoo, pero mukhang nanaginip ako ng ganun dahil sa mga iniisip ko.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko bago tinignan ang paligid. Ako lang ang tao sa loob ng kwarto na sinakop na ng kadiliman. Mukhang nakatulog ako sa kakaiyak kanina.

Rinig kong may ingay sa labas na paniguradong nanggagaling sa t.v dahil wala akong naririnig na ingay mula kayla Ate Remi.

Kinuha ko sa gilid ng kama ang phone ko na ngayo'y may isang text message.

+639637*****

I heard about what happened. Don't do things that will harm you, Miriana. Now that you've seen his true colors, don't think about going to his house.

Hinanap ko sa mga message niya ang address na sinend niya sa'kin. Binulsa ko ang phone ko sa jacket ko bago bumaba ng kama.

Kung wala na nga talaga ako sa tamang pag-iisip, isang malaking katangahan ang gagawin ko ngayon.

Sumilip ako sa labas ng kwarto para tignan sila Ate Remi na ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog sa sofa katabi si Dale. Mukhang natulugan nila ang t.v dahil halata sa mukha nila ang pagod. Hindi ko nga lang alam kung saan sila napagod.

Mababaw lang ang tulog ni Ate Remi kaya sa bawat kilos na ginagawa ko'y maingat para hindi siya magising. Tinignan ko muna sila sa huling pagkakataon bago patakbong lumabas ng unit.

Naabutan kong nakabukas ang elevator kaya sumakay ako rito agad at pinindot ang ground floor. Bawat paghihintay ko sa pagbukas nito ay ang kaba na unti-unting bumabalot sa buo kong katawan.

I don't know if he will kill me... all I want is to see the other side of him. If she is right about her warning about Castriel, I don't think I'm coming back here alive.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon