8-Flowers

886 24 0
                                    

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa office niya, una kong nakita ay ang isang bulaklak sa ibabaw ng mesa. Nakababa na ang mga kurtina at hindi ko rin siya nakita agad kaya 'yun ang pumukaw ng atensyon ko.

"Nasaan kaya siya?" tanong ko sa aking sarili ng masara ko ang pinto.

Binaba ko muna ang bag ko sa upuan dahil baka nasa klase pa siya. Gusto ko sanang umupo sa harap ng mesa niya para maghintay, kaso buong araw na akong nakaupo kaya maglalakad lakad na lang muna ako rito sa office.

Hindi masyadong maliit ang office niya, kung tutuusin malaki ito pero mas malaki sa dean.

May kanya-kanya kasing opisina ang lahat ng professor ng school para raw hindi sila madistorbo at may privacy rin sila. Kaya ang kinalabasan, halos lahat ng mga professor dito ay hindi ganun ka-close sa isa't isa.

Ang iba rin kasi ay galing sa mga kilalang university at sa tatlong taon kong pag-aaral dito. Masasabi kong ma-attitude sila, not in a bad way but in a good way.

Napahinto ako sa paglalakad nang may mapansin akong nakaipit na litrato sa isang libro. Parang punit pa ito pero hindi ko kasi makita ng buo dahil sa pagkakaipit nito sa libro.

"Kanina ka pa naghihintay?"

Natigil ako sa pagtingin sana ng litrato at napalingon sa bukas na pinto. Binaba ko ang kamay ko saka umiling, sinalubong ko rin siya ng isang ngiti. Hinintay ko munang masara niya ang pinto bago ako lumapit sa kanya.

"Bakit mo pala ako tinawag dito? Ano 'yung gusto mong sabihin?" pagtatanong ko.

Sabay kaming naglakad palapit sa mesa niya kung saan tinulungan ko siyang ibaba ang hawak niyang ibang folders.

"Because I miss you."

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. Tumalikod ako dahil hindi ko maitago ang kilig na naramdaman ko.

Ganito ba talaga ako kiligin? Like come on Miriana... napakahina mo naman.

"Ang init sa office noh," sabi ko habang ginagamit ang isa kong kamay para paypayan ang aking sarili.

Gosh why would he say that?

Imbis na sagot ang makuha ko, isang mahinang tawa ang aking narinig na ikinabalik ng tingin ko sa kanya. Nakasandal siya sa ibabaw ng mesa, nakahalukipkip ang kamay habang nakatingin sa'kin.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

Tumagilid ang ulo niya at parang nag-isip. "Dahil... you're my happy pill?"

Alangan akong tumingin sa kanya. Maraming beses ko na kasing narinig 'yan kaya ang marinig na sabihin niya ito ay hindi nakakakilig sa'kin.

'Pero sa I miss you niya kinilig ka?'

Ngumiti na lang ako at piniling hindi pansinin ang sinabi niya. "I know you have other reasons kaya tinawag mo ako rito. Tell me, what is it?"

"Okay... sinabi ko na ang una kong dahilan. Because I miss you and the second is, because I want to ask you if we can have dinner. Just the two of us."

Ah... kaya may pa-flowers siya.

Pero pano kapag may makakita sa'min?

It's against the rules ang ginagawa namin sa totoo lang, dahil hindi maganda ang student-teacher relationship. Pwede siyang mawalan ng lisensya kapag nagkataong mahuli kami.

"Don't worry, that restaurant is exclusive for VIPs only kaya walang makakakita sa'tin kung 'yan ang iniisip mo."

Parang nagda-doubt na akong ituloy ang meron sa pagitan namin dahil doon. I don't know why I'm in this position. Maybe because I like him that's why I'm breaking the rules.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon