54- Blood of Red Rose

241 8 0
                                    

Miriana's POV.


Nagising ako ng maging tahimik ang buong paligid. Paglingon ko sa aking tabi, nakatitig lang si Richard kaya pumikit ako saglit bago umupo ng maayos.

"Nasaan tayo?" may kaunting antok kong tanong pagtingin ko sa labas ng kotse. Maaraw sa labas ngunit hindi ako natatamaan nito dahil nasa ilalim kami ng malalaking puno.

"Makikita mo. Tara sa labas." Pinisil niya ang kamay kong hawak niya bago kami sabay na lumabas.

Guminhawa ang aking pakiramdam ng sa paglabas namin ay sumalubong ang sariwang hangin. Kusa akong napangiti dahil doon lalo na nang makita ko ang iba't ibang klase ng bulaklak na nakatanim sa malayo.

Hindi kalayuan ang mga ito sa pinagkatatayuan namin ngunit kitang kita ko ang ganda ng pagkakabukadkad ng bawat isa. Yellow, blue, white, pink, violet, red, etc. Natutuwa ako sa mga iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakakatakot hawakan dahil baka masira ko sila.

"Gusto mong lumapit tayo doon?" nakahawak kamay nitong tanong sa'kin.

Gusto ko nga ba?

"Sige."

Siya na ang humila sa akin palapit sa mga ito. Hindi ko maitatangging oo natutuwa akong makita ang mga bulaklak, ngunit alam ko rin sa sarili kong naaalala ko si Riel sa mga ito kahit hindi ko man aminin. Napailing ako sa aking naisip.

'Stop it Miriana. Even just for a while... si Richard ang kasama mo.'

"Uhm... big Daddy," tawag ko rito na nagpahinto sa kanya sa paglalakad.

"Hmm?"

"Pwede mo ba akong kuhanan ng maiinom? Nauhaw ako bigla," malambing kong sabi.

May nakita kasi akong coffee shop sa kanan namin kaya naisip kong pabilhin muna siya. Napalinga siya sa paligid, nang tumama ang tingin nito sa shop na aking nakita bumitaw siya sa pagkakahawak ng aming kamay.

"Sige. Dito ka lang, mabilis lang ako." Hinalikan niya pa ako saglit sa'king noo bago patakbong pumunta sa direksyon kung nasaan ang shop.

Kusang nawala ang ngiti sa buo kong mukha pag-alis nito. Hinarap ko ang pulang mga rosas na tanaw na tanaw ang matutulis nitong spikes.

Naglakad ako sa gitna ng mga ito, isa-isa silang pinagmamasdan. Nang makita ko ang pinakabukod tangi sa kanilang lahat, huminto ako't umupo sa dalawa kong hita. Mula sa bulaklak nito hanggang sa kanyang peduncle ay aking pinasadahan ng hawak. Hininto ko lamang ang paghaplos sa bulaklak nang sumagi ang isa kong daliri sa isang tinik na nagpadugo rito.

Dumaloy ang masaganang dugo paibaba sa aking daliri na humalo sa katabi nitong pulang bulaklak.

Hindi masakit. 'Yan ang unang pumasok sa aking utak ng idiin ko pa ang pagkakatusok nito sa tinik ng bulaklak. Mas lumaki ang sugat sa aking daliri ngunit ni hapdi'y wala akong maramdamang sakit. Humahalo na sa bulaklak at lupa ang aking dugo ngunit hindi pa rin ako nakukuntento sa mahinang pagdugo nito.

'Manhid na ba ako?'

Walang ano-ano'y tinapat ko ang nagdurugo kong daliri sa mukha ko. May nagtutulak sa aking tikman ang sarili kong dugo kahit na alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Can't I control myself again?" bulong ko sa hangin. Bumaba na ang dugo papunta sa aking braso.

Napapikit na lamang ako saglit sa isiping gusto kong tignan kung hindi ko pa rin ba kayang pigilin ang sarili ko. I want to try it but not here, not now. I don't wanna ruin Richard's day just because I wanna see if I can control myself.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon