45- Recorder

208 11 0
                                    

"Umuwi ka agad Miriana." Paalala ni Mavi.

Tinanguan ko lang siya bago lumabas ng coffee shop. Binulsa ko ang perang binigay niya para raw pamasahe pauwi. Sa susunod nga ilalagay ko na sa bulsa ko ang wallet.

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa sakayan nang makita ko na naman ang lalaki kagabi. Nakasandal siya sa pader sa gilid habang nakatingin sa'kin.

Kahit na nakasuot siya ng cap, kilalang kilala ko ang mukhang ito. Imbis na dumiretso ako sa sakayan, naglakad ako palapit sa kanya na walang katakot takot. Kahit na gusto na niya akong patayin kagabi, nararamdaman kong hindi niya 'yon kagustuhan.

"Sinusundan mo na ako ngayon," casual kong sabi. Kinuha ko ang cap na suot niya at sinuot ko sa aking sarili. Sumandal din ako sa pader para tabihan siya.

Nang hindi siya magsalita, nilingon ko ito. Nakatitig lang siya sa'kin bago ito tuluyang umiwas ng titigan ko siya pabalik.

"Nakahanda na ba ang kabaong ko?" Pag-iiba ko ng usapan. Hindi pa rin siya nagsalita kaya napalingon ako sa big bike na nasa gilid niya lang. "Pwede mo ba akong dalhin sa malayo?" sabi ko bago maglakad palapit sa big bike.

Alam kong parang katangahan ang ginagawa ko, pero ramdam ko kasing hindi masamang tao itong si Castriel. Isa pa... ayoko pang bumalik sa penthouse. Ayoko pang makausap si Richard.

"Please?" Paki-usap ko na nagpaalis sa kanya mula sa pagkakasandal sa pader.

Kahit hindi siya nagsalita, kinuha niya ang isang helmet na nakasabit dito at siya ang nagsuot sa akin. Seryoso ang buo niyang mukha habang sinusuot ito. Ewan ko tuloy kung matatawa ako o ano.

"Sakay na," utos nito na nagpauna sa pagsakay.

Kinuha niya ang isa pa pa lang helmet at sinuot ito. Ngingiti ngiti naman akong sumakay ng hindi ko alam. Basta napangiti ako sa inasal niya, masyado siyang pa mysterious.

"Humawak ka ng maigi, baka mahulog ka kasalanan ko pa," sabi nito kaya pinulupot ko ang aking kamay sa kanyang bewang.

Mukhang nagulat pa siya pero hindi siya nagsalita.

"Paandarin mo na bago pa niya ako makita," bulong ko nang makita ang kotse ni Richard na huminto sa harap ng coffee shop.

Mas napahawak pa ako sa kanya ng maigi nang simulan niyang paharurutin ang makina ng big bike. Yumuko pa ako nang mapadaan kami sa mismong kotse ni Richard.

Ayoko sanang magtago mula sa kanya pero siya rin lang ang gumagawa ng hakbang para lumayo ako saglit. Mamaya na tayo mag-usap Richard, mamaya kapag tapos na akong magkapag-isip.

▪▪▪

Para akong nakahinga ng maayos sa tanawing nakikita ko ngayon. Mahangin man na nagiging dahilan sa pagkagulo ng maikli kong buhok, mas nagiging magaan naman ang pakiramdam ko.

"Thank you for taking me here instead of killing me again."

Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa malayo kaya kinuha kong tiyansa ito para siya'y titigan. Kahit na anong gawin ko, pamilyar talaga ang mukha niya sa'kin. May something sa kanya na gusto kong malaman.

"Do you really love your boyfriend?" bigla niyang tanong ng hindi tumitingin sa akin.

"Yes," agaran kong sagot dahil kahit na nawawalan na ako ng tiwala sa kanya, alam kong mahal ko pa rin siya. Hindi naman agad 'yun mawawala.

"Pano kapag sinabi ko sa'yong ako ang una mong minahal bago siya. Itutuloy mo pa rin ang kasal niyo?"

Sa pagkakataong ito, lumingon na siya sa akin. Seryoso ang mata nito habang nakatitig, mas pinagmasdan ko pa ang mukha niya.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon