27-You're Mine

418 18 0
                                    

Author's POV.


Kalat na sa iba't ibang panig ng Pilipinas ang balita tungkol sa higit 36 na babaeng patay na nakita sa ginawang tunnel sa ilalim ng garden ng bahay ni Castriel. Ang iba rito'y hindi na makilala dahil halos kalahati sa kanila'y sunog ang mukha.

Ang iba naman ay tanging buto na lang ang natira dahil sa tagal nilang pagkakatago rito. Halos halughugin na ng mga tauhan ng pamilya ni Richard ang buong Pilipinas para mahanap lang silang dalawa.

Sinisiguro nilang wala silang makakaligtaan na lugar at ngayon ay kasama na nila ang mga pulis sa paghahanap. Sa bawat daan ay may checkpoints na nagaganap upang mabilis nila itong mahanap.

Ang hindi nila alam, nasa malapit lang ang kanilang hinahanap. Sa ilalaim ng tunnel, may malawak na kwarto kung nasaan ngayon sila Miriana at Castriel. Nahahati ito sa dalawang parte. Ang una ay kung nasaan nakakulong si Miriana. Habang ang kalahati'y ang lalagyan ng mga ibang gamit na maaring magamit ni Castriel.

Mayroong ilang pagkain dito, gamit at armas kung sakaling matuklasan nila ang nakatagong kwarto sa ilalim ng tunnel. Hindi mapapansin agad ang pinto papunta rito dahil sa nakapaibabaw na lupa sa mismong pinto.

Sinuguro rin ni Castriel na malalim ang pinto upang hindi ito kapansin-pansin. Humahalo rin sa mismong lupa ang nasa ibabaw na pinto kaya hindi talaga ito agad makikita ng kung sino-sino lamang.

Tumayo mula sa pagkakaupo si Castriel. Magmula kagabi, nakaharap lang ito sa nag-iisang computer na konektado sa mga tagong camera sa buong garden at tunnel. Pinapanood niya ang bawat galaw ng mga taong pumapasok at lumalabas. Ito rin ang kanyang basehan para makita kung kailangan na ba niyang tumakas dahil masyado siyang malapit sa mga ito.

"Hide and seek," nakangisi niyang sabi bago lumayo roon para puntahan si Miriana.

Hindi na masyadong nag-iingay si Miriana sa kwarto dahil sa drugs na tinuturok nito sa kanya. Bawat apat na oras ay tinurukan niya ito upang kumalma siya.

Ngunit ang hindi niya alam, ilang turok na lang ng drugs sa katawan ni Miriana ay pwede na nitong ikamatay. Masyadong malakas ng dosage para sa katawan ng dalaga. Unti-unting kumakalat sa buong sistema nito ang drugs na ang pinupuntirya'y ang utak at puso nito na napakadelikado para sa kanya.

Sa labas ay mukhang ayos lang siya dahil nakatulala lang ito. Ngunit sa loob niya'y nasa bingit na siya ng kamatayan.

"My Miriana..." matamis na tawag ni Castriel sa dalaga.

Saglitang lumingon sa kanya ito ngunit agad ding bumalik sa tinitignan niya. Napangiti ang binata sa inakto nito kaya naman pagsara niya ng pinto, tumabi ito sa kanya.

"Kamusta ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka bang masakit?" tanong niya habang abala sa pag-aayos ng buhok nito.

Ito ang unang pagkakataon na hindi niya sinasaktan masyado ang babaeng dinala niya rito. Kalmado lang siya at parang natutuwa pa kay Miriana.

"Pasensya na kung hinampas kita ng tubo. Baka kasi lumayo ka, kaya mo naman akong patawarin diba?"

Kahit hindi sumasagot ang dalaga sa kanya, may ngiti pa rin sa kanyang labi habang siya'y kinakausap.

Nang maayos niya ang buhok nito, nilapit niya ang kanyang sarili sa nakatambad na leeg ni Miriana. Maigi niya itong iniwanan ng ilang halik na mas nagpapasaya sa kanya ngayon.

Walang laban si Miriana kung sakaling may gawin sa kanya si Castriel dahil sa pagkakatulala lamang nito. Wala siya sa huwisyo para maalala ang kagaguhang ginagawa sa kanya ng binata.

Tumaas ang halik na iniiwan ni Castriel hanggang sa maabot nito ang kanyang labi na lagi niyang tinititigan. Pinasadahan niya muna ito ng kanyang daliri bago sakupin ang labi ng dalaga.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon