40- DNA Test

261 12 0
                                    

"Ayos ka lang?" tanong ni Richard na nagpatigil sa'kin sa pag-inom. Kinuha niya ang wine glass na hawak ko kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Miriana..." nag-aalala niyang tawag sa'kin ngunit hindi ako nagsalita't tumingin lang sa malayo.

I don't know what to think to be honest. Masyadong nagulo ang utak ko sa pagsulpot ng babaeng 'yun.

Nakarinig ako ng buntong hininga kay Richard kasunod ng yabag niya palayo sa akin. Gusto ko saglit ng katahimikan para makapag-isip ako ng maayos.

Sorry Richard.

BZZZT BZZZT


Naalis ang tingin ko sa labas ng bintana at napunta ito sa phone kong nasa bulsa ko lamang. Tinignan ko muna kung nasa paligid si Richard bago ito kunin.

+639004*****

It's me Mirabella. I want to meet you, because I want to prove to you that I am your Mom. I'll send you the address of the place we can talk to privately.

Pinatay ko ito matapos kong mabasa. There is an instinct that tells me to know her even though she is not as trustworthy as she was a while ago. I can see through her eyes that she is not just someone who has a lot of money. There is more about her than I can feel.

"Kung ikaw nga talaga ang totoo kong nanay..."

Umiling ako. She's lying.

Ito, ito muna ang panghahawakan ko ngayon.

▪▪▪

Napangiti ako habang pinapanood si Mom na mamili ng dress. Hinayaan ko na lang siya dahil ako ang mamimili ng wedding gown ko. Kaya heto kami ni Richard, nakaupo habang hinihintay siyang makapili. Siya rin kasi ang mamimili ng suit kaya hinayaan na namin.

"Sigurado ka bang siya ang papapiliin natin?" nag-aalangang tanong ni Richard.

Hinawakan ko ang kamay nito saka tumango. "Bakit? Wala ka bang tiwala sa sarili mong ina?"

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko bago nagkibit balikat. "Of course I do. Sadyang minsan hindi ko maintindihan ang taste niya."

"Hahaha. 'Wag kang mag-alala, we will both look perfect on that night."

Unti-unting sumilay sa labi niya ang isang ngiti na nagpakilig sa'kin. He even kissed the back of my hand before resting his head on my shoulder.

"Richard! Ito ang isuot mo," sigaw ni Mom paglapit niya kasama ang isang staff ng boutique.

"Oh... that looks nice. Isuot mo na," mangha kong sabi.

"Psh. Panira talaga ng moment." Rinig kong bulong niya bago tumayo. Nakasimangot ito na naglakad papuntang dressing room.

Well, parehas sila ni Dale na panira ng moment.

"At ikaw naman iha, nasa dressing room na ang dress na napili ko. Halika't isuot natin sa'yo."

Inayos ko muna ang suot kong palda bago tanggapin ang kamay niyang nakalahad. Ito ang napili kong isuot ngayon para mabilis na tanggalin dahil hindi ko alam kung gaano karami ang ipapasuot sa'kin ni Mom.

"Maghintay na lang po kayo sa labas, sa kanya na lang po ako magpapatulong." Pigil ko ng papasok na sana siya kasama ako at ng isa pang staff.

"Okay! Para surprise sa'kin! Dalian mo iha."

Nginitian ko lang siya dahil nakikita kong kanina pa ngumingiti ang mga staff dito. Kami lang kasi ang customer na inaasikaso nila.

Parehas nilang pinasara ang boutique para raw wala kaming kaagaw. Pumayag na lang ako dahil wala naman akong choice. Maigi na ito para wala ng iba pang taong makakita sa pag-eeskandalo ni Mom.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon