60- Promise of Forever

263 8 0
                                    

Author's POV.

Napangiti si Richard nang makita si Miriana na kumakain sa pagkaing niluto nito, nakapahalumbaba siya sa mesa habang titig na titig sa dalaga.

"Ano?" inosenteng tanong ng dalaga nang mapansing pinapanood lang siya nito. Uminom pa siya ng tubig bago makipagtitigan sa binatang mas lumawak ang pagkakangiti.

"Wala naman. Kain ka lang."

Pinaningkitan siya ni Miriana. Binaba nito ang hawak niyang kutsara bago gayahin ang pustura nitong nakapahalumbaba sa mesa. "Alam kong may ibig sabihin ang ngiting 'yan. Sabihin mo na," mahinahon niyang sabi.

Iiling na napangiti ang binata. Isang mabilis na halik ang iniwan niya kay Miriana saka muling nagsalita. "Masaya lang ako na kasama ka."

Inirapan lang siya nito at tumayo. Nawala ang pagkakangiti ni Richard nang kunin ng dalaga ang tinidor at walang pasabing isaksak sa kamay ng binata na nasa mesa.

"Hindi mo na ako makakasama Richard. Hindi na."


Napabangon si Richard mula sa kanyang kama, pawisan ang mukha nito at mabilis ang pintig ng puso. Paglingon niya sa paligid, umaga na at sumisilip ang araw mula sa bintana ng kanyang kwarto. Saglit pa siyang umupo sa kama bago mapagdesisyunang umalis para gawin ang araw-araw nitong gawain sa umaga.

"Richard! Gising ka na ba?!" Rinig na sigaw ng binata kay Remi na walang katok katok na pumasok.

Pinunasan lang nito saglit ang mukha saka sumilip sa pinto ng banyo para makita ang nakakatanda nitong kapatid na may kinakalkal sa cabinet.

"Anong kailangan mo?"

Lumingon si Remi sa kanya na ngayon ay may hawak ng hoodie. Malakas niyang sinara ang cabinet, naglakad ito palapit sa binatang pinanood lamang siya.

"Pahiram nito ha? Wala akong maipasuot sa kanya."

"Sino na naman ang dinala mo sa bahay?" taas kilay nitong tanong na nagpangisi lang kay Remi.

"Hmm... a patient? Sige na, bumili ka na lang ng bago."

Napailing na lang si Richard sa pag-alis ng dalaga dala ang hoodie nito. Kung sino-sino na lang ang inuuwi niya sa bahay nila, kaya lagi ring maingay sa pagbubulyaw ng kanilang ina rito.

Magmula kasi nang may mangyari sa pagitan nila Remi at Septimus na hindi pa rin alam ng kanyang pamilya, nagbago ito't naging suwail. Halos araw-araw, iba't ibang lalaki ang kanyang inuuwi na hindi naman mapigilan ng kanilang magulang. Lalo na't magmamadaling araw na siya umuuwi, depende pa sa schedule niya sa hospital.

Nang matapos mag-ayos ni Richard, bumaba na siya upang kumain. Halos nandoon na ang lahat, maski ang lalaking kasama ni Remi na tinititigan ng kanyang ina. Tahimik na naupo ang binata sa kanyang upuan kaya naalis ang pagkakatingin ng ina nito sa lalaki.

"Pupuntahan mo ba siya?"

Tanging pagtango ang sagot nito. Hindi na nagtanong pa ang kanyang ina hanggang sa matapos silang kumain. Minsan-minsan silang nag-uusap at halos ang ina nila ang tanong ng tanong sa lalaking kasama ni Remi.

"Remi! Kainis kang bata ka! Bumalik ka rito!"

Nilapag ni Richard ang lalagyan ng pinag-inuman niyang kape saka tumayo para umalis na. Kailangan din kasi nitong puntahan si Dale sa kanilang opisina para pag-usapan ang pagbubukas ng mga bagong branch ng pub na kanilang itinayo tatlong taon na ang nakakalipas. Kasama na rito ang pagdating ng investor nilang may malaking share sa buong kumpanya.

"Kahit kailan talaga ang batang iyon. Makukurot ko na talaga siya sa singit!"

Pinalibot ni Richard ang kamay niya sa bewang ng ina upang pakalmahin. Naiwan naman ang ama nito sa mesa na nanonood lang sa kanilang lahat.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon