10-Friendship over?

676 22 0
                                    

"Miriana!!!" sigaw ni Tita pagpasok ko sa bahay nila. Sinalubong ako nito ng malawak na ngiti at mahigpit na yakap.

"Kamusta po, Tita? Sorry ngayon lang nakadalaw."

Pagkalas ko ng yakap, hinampas niya ako ng mahina sa braso ko. "Ano ba iha... it's fine. Graduating student ka na kaya naiintindihan ko. I'm just happy to see you again, it's been months but you look different. Gumaganda ka."

"Thank you po," nahihiya kong tugon.

Sa tuwing sinasabihan ako ni Tita ng mga ganyang salita, nahihiya talaga ako. She's beautiful inside and out, sa kanya nagmana si Richard.

"Si Richard po?" agarang tanong ko.

Pinuntahan ko siya sa condo niya kanina pero wala siya roon ng tanungin ko sa staff ng condo building. Kaya naisipan kong tawagan si Tita para tanungin kung umuwi ba si Richard sa bahay nila. Hindi naman ako nagkamali dahil sabi niya na rito siya matutulog.

"Nasa kwarto niya gumagawa ng paper works. Gusto mong tawagin ko?"

Umiling ako dahil ayokong malaman niya na nag-away kami. Malulungkot siya kapag nagkataon.

"Ako na lang po ang pupunta sa kanya."

"Sige iha. Dito ka na mag-dinner, ha? Magluluto ako ng favorite food mo."

Kahit nag-aalangan, tumango ako bago naglakad papunta sa second floor ng bahay nila kung nasaan ang kwarto ni Richard.

Matapos akong iwan ni Richard sa parking lot, umiyak ako na parang bata.

It's not easy for me to hear those words, I maybe strong but I'm weak when it comes to my loved ones.

Richard is my friend for so long, marami na kaming napagsamahan kaya ganito na lang ang impact ng nangyari sa'kin. Masyado na sigurong mainitin ang ulo ko para masabi 'yun sa kanya.

He just want to make me happy but then I misinterpret it because of one reason.

Tatlong beses akong kumatok sa pinto. Mabilis ang tibok ng aking puso habang naghihintay na buksan niya ito.

This is not the first time na nag-away kami, but this is my first time na ako ang hihingi ng apology sa kanya. Siya kasi ang unang gumagawa ng hakbang noon para magkaayos kami.

Now I know the feeling, it's not easy at all.

"Mom sinabing 'wag niyo--" hindi niya natapos ang sinasabi niya ng makita ako.

Parang nagulat pa siya ng kaunti pero agad din 'yung nawala na mabilis napalitan ng malamig na tingin.

"Bakit ka nandito?"

Napalunok ako sa tanong niya. Napakadali lang nito pero parang ang hirap sagutin, mas mahirap pa sa exam.

"I'm sorry," sincere kong sabi. Kahit na hindi ako natutuwa sa paraan ng pagtitig niya, nakipagtitigan ako rito.

"For what?"

Why is it so hard to answer? Come on Miriana.

"Sa mga nasabi ko sa'yo, I didn't mean to say that. Masyado lang akong stress sa school at maraming iniisip. You're still my friend kaya nandito ako to give my apology. Kaya sa--"

"I am your friend, but you are hiding your relationship with your teacher."

Parang tumigil sandali ang oras sa sinabi niya. Alam niya?

"Paano mo nalaman?"

Sumilay saglit ang isang ngisi sa labi niya na parang nagsasabi na tama siya ng akala. Mali ba ako ng akala?

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon