14-One kiss, goodnight

551 18 0
                                    

"Miriana!"

Napatingin ako kay Dale sa pagsigaw niyang 'yun. "Bakit ba sigaw ka ng sigaw?" may kaunting irita kong tanong.

"Ay wow... hiya naman ako sa'yo. Baka kasi kanina pa kita tinatawag, noh?"

Isang irap ang sinagot ko sa kanya bago magpatuloy sa sinusulat ko. "Hindi ko narinig. Nagsusulat ako."

"Nagsusulat? Nagsusulat ka sa lagay na 'yan?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Umiling pa siya bago lumapit sa'kin. Pinanood ko siya kung paano nito kunin ang ballpen sa'kin na nakabaliktad pala.

"Lutang ka ba sis o sadyang umalis na ang utak mo para hindi mapansin na baliktad ang ballpen mo?"

Naibaba ko ang ballpen saka sumandal sa upuan. "May iniisip lang--aray naman!" Sinamaan ko siya ng tingin ng kurutin niya ako sa tagiliran ko.

Mataman niya rin akong tinignan na alam ko na kung saan patutungo. "May nangyari ba sa'yo na hindi ko alam?" mapanuri nitong tanong.

Humalukipkip siya kaya nagmumukha siyang... ano ba ang pwedeng itawag sa kanya? Yayamaning tao pero ubod ng arte sa katawan.

"Nangyari? Wala naman."

Bukod sa ginawa kagabi ni Castriel, wala naman.

"'Wag mo akong gawing tanga Miriana. Mula pagpasok mo hindi na naalis sa labi mo 'yang malawak na ngiti. Kaya sabihin mo, anong nangyari?"

Ngumingiti ako? Parang hindi naman, ah.

"Don't tell me may namamagitan na sa inyo ni Richard ng hindi ko alam? Kunwari lang ba siyang umal--"

"Walang namamagitan sa'min," pagpuputol ko sa kanya na ikinawala ng ngiti sa'king labi.

Mali si Dale, maling mali.

"Edi kung wala. Anong nginingiti ngiti mo?"

Si Castriel.

"Natutuwa lang ako dahil wala tayong pasok next week. At tiyaka masama na bang ngumiti ngayon?"

"Masama kung pati yang pagngiti mo'y nakakaapekto na sa utak mo." Tinignan niya ang ballpen ko na nagpabuntong hininga sa'kin.

Ano ba kasi Miriana, 'wag mo masyadong isipin ang nangyari kagabi para ka na tuloy baliw.

"Fine. Edi 'wag." Pagsusungit ko.

Umirap siya. "Maiba tayo ng usapan, so anong balak mo next week? Magkukulong?"

Naisip ko na 'yan. Balak kong mag-tutor muna para dagdag income sa bahay. Isa pa magpahinga syempre, isisingit singit ko na lang sa gagawin kong schedule 'yun.

"Mag-tutor ako," tipid kong sagot.

Binalik ko na ang aking tingin sa sinusulat ko. Ngayon, siniguro kong maayos na ang paghawak ko sa ballpen.

"Hindi ka pwedeng sumama sa'kin?" may pagkalungkot nitong tugon.

"Saan na naman?"

"Sa beach, mag-party ganun. Sige na Miriana, sama ka na sa'kin." Pinulupot nito ang kamay niya sa braso ko na nagpahinto sa'kin sa pagsusulat.

Inalis ko ang kamay niya saka umiling. "Ikaw na lang. Imbitahin mo sila Liana, alam mo namang kailangan ko rin ng income."

"Babayaran kita, basta sumama ka sa'kin okay?"

'Yan na naman siya. Marami na siyang tulong na binigay sa'kin. Sa tuwing iimbitahin niya ako ganito ang lagi niyang sinasabi.

Nakakahiya na dahil parang nagmumukha akong mukhang pera. Kaibigan ko siya pero ayoko siyang abusuhin.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon