43- Castriel

277 12 0
                                    

"Congratulations!"

Nginitian namin sila sa mga pagbati na kanilang binibigay sa'min ni Richard. Puno ng kasiyahan ang lahat ngunit sila lang ang nakakaramdam nito ng buo.

"Aba... aba... kayo rin pala ang magkakatuluyan sa huli. Pinatagal niyo pa," sabi ni Liana pagdating namin sa mesa nila.

"Hayaan mo na sis, ikakasal na sila kaya manahimik ka na lang," sabat naman ni Dale na mukhang nakatakas kay Aurora. Hindi ko kasi ito nakitang kasama niya.

"Pero kahit na ikakasal na sila... bakit parang hindi ko ramdam ang tuwa sa dalawang ito?" mapanuring tanong ni Mike, isa sa mga lalaki naming kaibigan.

Hinampas siya ni Dale, alanganing tumatawa kahit na wala naman siyang alam ng buo sa impormasyong alam niya. Nagkatinginan kami saglit ni Richard na nagpangiti sa'min.

"Ikaw lang ang hindi nakakaramdam dahil wala ka namang girlfriend," sabi ko na nagpangisi sa kanya ng kaunti.

Tinukso siya nila Dale kaya kahit papaano'y napunta ang atensyon nito sa kanila. Habang pinapanood ko silang nag-uusap at nag-aasaran, may nahagip ang mata kong pamilyar na mukha.

Paglapat pa lamang ng aking paningin sa taong ito, para na siyang isang bula na bigla na lang nawala sa gitna ng mga taong kanina'y kanyang kinatatayuan.

"Excuse me guys... magbabanyo lang ako," paalam ko na nagpatigil sa mga ito saglit.

Tinanguan lang ako ng iba at pagtingin ko kay Richard, nagtatanong ang mga tingin nitong nakatitig sa akin.

"Gusto mong samahan kita?" tanong niya na nagpailing sa'kin.

"Maiwan ka na lang para sa mga bisita, mabilis lang ako." Inalis ko ang kamay kong nakahawak sa kanya, nginitian ko rin muna siya bago tumalikod para maglakad palayo.

Hindi naman ako nakarinig ng pagtawag, ngunit alam kong susunod at susunod siya ng tahimik.

Luminga linga ako sa paligid, pilit na hinahanap ang taong 'yon. Nakatitig lang siya sa'kin kanina kaya mabilis kong nakuha ang atensyon nito. Hindi ko alam kung anong meron sa taong 'yun. Nang makita ko ang kanyang mukha, para bang may nagsasabi sa'king sundan ko ang taong ito.

Huminto lamang ang aking paningin ng makita muli ang lalaki. Sa pagkakataong ito, pababa siya ng rooftop kaya mabilis akong naglakad pasunod sa kanya.

Marami akong nadadaanang bumabati sa'kin ngunit isang ngiti lamang ang aking binibigay sa kanila. Nakita ko pa sa gilid ng aking mata ang pagsunod ni Richard kaya gumawa ako ng paraan upang iligaw siya sandali.

Dumaan ako sa gitna ng maraming tao bago lumiko papunta sa gilid, bago umikot pabalik sa dinaanan ko upang hindi niya ako agad makita. Nang masiguro kong naligaw ko siya saglit, naglakad na ako pababa ng rooftop.

"I'm sorry, Richard," bulong ko dahil sa aking ginawa.

Dumiretso ako sa pagbaba upang hanapin ang taong 'yon ngunit sinalubong lang ako ng katahimikan. "Nasaan na siya?" Naglakad pa ako, nagbabakasakaling makita ko muli ang taong ito.

"Miriana?!"

Huminto ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Richard. Para akong nataranta kaya kahit gusto kong hanapin ang taong 'yon, naglakad na lang ako pabalik. Masyado na akong nagsisinungaling kay Richard at masama ito.

"Ri--" natigil ako sa pagtawag sa kanya ng pagdaan ko sa elevator ay may humila na sa'kin papasok dito.

Nakita kong nakita ito ni Richard at ang huli kong nakita bago sumara ang pinto ay ang pagtakbo nito papunta sa aking direksyon.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon