38- Stay the same

269 9 0
                                    

Richard's POV.

Mas matagal siyang tulog ngayon matapos nilang iturok ang gamot. Katulad dati, natatakot na naman ako ngunit sa pagkakataong ito. Natatakot ako na baka maalis ang ala-ala niya tungkol sa aming dalawa. Alam kong hindi ito masasamang karanasan pero natatakot pa rin ako.

"Richard?"

Umangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko dahil sa boses na 'yun.

"Miriana. Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?"

Umiling siya, pinilit niyang umupo kaya tinulungan ko siya hanggang sa makaupo ito ng maayos.

"Nasa hospital na naman ako," natatawa niyang sabi.

Pinapakiramdaman ko siya, pilit na inaalam kung may nabura na naman ba sa kanyang ala-ala.

"Pinag-alala ba kita? Sorry for that, maliligo lang naman ako pero hindi ko inaasahang mahihi--Richard."

"Thank you. Thank you," masaya kong sabi habang yakap-yakap siya.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa'kin na mas nagpahinga pa sa'kin ng maayos.

"I scared you a lot. Promise... this won't happen again."

Paghiwalay ko ng yakap nakangiti nitong hinawakan ang aking mukha. "Umuwi na tayo. Ayoko rito," mahina niyang sabi.

Sunod-sunod akong tumango. "Umuwi na tayo."

Miriana's POV.

"Doon na kasi kayo sa bahay tumira," sabi ni Tita na ngayon ay nandito sa penthouse.

Tinignan lang saglit ng doktor ang kalagayan ko bago ako hinayaang makalabas. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako biglang nahilo sa banyo ng hotel. Pero isa lang ang alam ko, ayoko ng maulit 'yun.

Paggising ko kanina, puno ng pag-aalala at takot si Richard. Ayaw niya pa sanang i-discharge ako sa hospital pero dahil mapilit ako, nandito na kami ngayon.

"Para ano? Buryuhin ako? 'Wag na lang Mom," sagot ni Richard.

"Ganun ba talaga ng iniisip mo? Gosh Richard, I'm just being considerate lalo na sa kalagayan ni Miriana. Ayoko namang maulit uli ang nangyari. She's like a daughter to me."

Napangiti ako, tama siya... magmula ng makilala ko sila, sila na lang ang tinuring kong pamilya. Kahit na iniwan na ako ng pamilya ko na pumunta sa kabilang buhay, hindi pa rin maaalis sa'kin ang malungkot.

Good thing hindi sila nabura sa ala-ala ko. Masyado pa akong bata ng mamatay ang mga magulang ko. Napunta ako bahay ampunan nun pero umalis din ako at nagsarili. Nung pa-graduate na ako ng highschool, doon ko nakilala sila Dale na tumulong sa'kin.

"Kaya ko siyang alagaan."

"Hindi mo siya kayang alagaan Richard."

"Wala ka bang balak na patigilin silang dalawa?" tanong ko kay Remi na kasama kong nanonood sa pagbabangayan ng mag-ina.

Kumakain siya ng ice cream at sila Richard ang nasa loob ng t.v na pinapanood nito.

"Magsasawa rin 'yang mga 'yan."

Iiling akong tumawa dahil naalala ko, isa rin pala siya sa nakikipagbangayan sa kanila.

"Umuwi na kayo ni Remi," sukong sabi ni Richard.

"Remi? 'Yan pa rin tawag mo sa Ate mo? Hindi porket malaki ang katawan mo tatawagin mo na lang siya sa pangalan niya. Ate, Ate ang itawag mo."

"Mom! Tama na!"

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon