3-Warning

1.5K 43 3
                                    

"Grabe kayo ni Richard sis talagang sa bar pa kayo--"

Tinakpan ko ang bibig niya gamit ng kamay ko saka siya sinamaan ng tingin. "Tumahimik ka nga. Baka may makarinig sayo," mahina kong sabi dahil nandito kami ngayon sa lounge ng campus. Eh, ang lakas-lakas ng bunganga nito.

"Oo na. 'Wag mo nga ulit ilalagay 'yang kamay mo sa bibig ko," maarte niyang sabi nang maalis niya ang kamay kong pinantakip ko sa kanyang bibig.

Inirapan ko siya pero nakarinig ako ng hagikgik mula sa kanya. "'Yang bunganga mo wala talagang preno."

"Tell me... kapag ba hindi ako dumating hanggang saan aabot ang steamy night niyo?"

"Kung itulak kaya kita rito sa balkonahe? Saan aabot ang kamatayan mo?" pabalang kong sagot na mas lalo niyang ikinatawa.

Umiling iling pa siya bago isandal ang ulo sa kamay niyang nasa ibabaw ng mesa. Saka tignan ako ng mapanuring tingin. "'Wag mong ibahin ang usapan, so ano? Masarap ba?"

"Gaga ka talaga."

"Sige na. Tayo-tayo lang naman."

Napabuntong hininga ako at mas piniling manahimik. Sa tuwing naaalala ko ang gabing 'yon ewan ko kung maiinis ba ako o ano.

Pano ba naman, after nun uminom pa kami pero saglitan lang dahil napaka-uncomfortable na sa'kin ang walang suot na panty kahit na nakatakip sa legs ko ang jacket niya.

Inaasahan kong sasabihin ni Dale sa iba ang nakita niya, pero tanging mapanlokong tingin ang binigay niya buong gabi hanggang ngayon.

Tinupad naman ni Richard ang sinabi niyang ihahatid niya ako at sinigurong hindi ako masisilipan. Kung tutuusin fair 'yun dahil sa pagpunit niya ng panty ko. To think na nasa kanya pa rin 'yun hanggang ngayon.

Ewan ko lang kung anong ginagawa niya dun. Who knows... kung souvenir nga lang ba talaga or baka may ginagawa na siya roon. Huwag lang ritual dahil masasapak ko siya.

"Sis..." tawag sa'kin ni Dale.

Binuklat ko ang librong nasa tabi ko lang. "Why don't you ask him? Kaysa 'yung binuburyo mo ako rito."

Mas maiging magbasa na lang ako ng libro kaysa makipag-usap sa binabaeng ito.

"Bakit? Siya ba ang hin--" hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang itapon ko sa kanya ang libro na nasalo niya agad.

"Isa pang tanong FRANCIS hindi lang libro ang ibabato ko sa'yo."

Diniinan ko ang pangalawang pangalan niya bilang banta na hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi niya, na hindi naman talaga. Alam niyang nasa school kami, puro ganyan ang lumalabas sa bibig niya.

"Okay... okay... sa susunod na lang kita tatanungin." Maayos niyang binalik sa'kin ang libro na padabog kong kinuha.

Kasalanan mo ito Richard. At mas lalong kasalanan ko rin ito kasi pumayag ako. Kainis.

▪▪▪

"Gabi na pala," bulong ko nang makita ang orasan dito sa loob ng library.

May quiz kasi bukas kaya pinili kong dito sa library mag-review kaysa sa bahay. Malay, nakakapag-concentrate ako kapag dito ako nag-aaral. Kapag kasi sa bahay, maraming distraksyon kahit na mag-isa ko lang naman.

Inayos ko na ang gamit ko at kinuha ang libro para ibalik sa book shelf na pinagkunan ko.

Kung magtatanong kayo kung nasaan ang binabaeng lagi kong kasama. Nauna na dahil inaantok na raw siya, mas maigi na 'yun kaysa kasama ko siya. Hindi siya tumigil kakatanong sa'kin na talaga nga namang nakakainis pakinggan.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon