62- Sealed together

495 13 0
                                    

Author's POV.

Napatitig si Miriana sa puntod na pinagdalhan sa kanya ni Richard pagkababa nito ng dala niyang bulaklak.

"Alice Mouyer." Mahina niyang basa sa pangalan.

Pinagtaklop ni Richard ang kamay nila na kanyang iniharap sa puntod na para bang pinapakita niya ito. "Meet my soon to be wife," nakangiti niyang sabi.

Kusang ring napangiti ang dalaga sa kanyang narinig. Alam niya kung gaano kaimportante si Alice para kay Richard. Sapagkat katulad niya, ito ang unang babae na kanyang minahal katulad ng pagmamahal ni Miriana kay Riel.

"Hindi ka na galit sa kanya?" tanong ng dalaga.

"Magagalit kung hindi ko nalaman ang totoong dahilan ng pag-iwan niya sa'kin. Pero kahit ganun, kung hindi niya ako iniwan noon baka wala akong Miriana na papakasalan bukas." Hinalikan niya ang likod ng kanyang palad na mas nagpalawak ng pagkakangiti ng dalaga.

Ang babaeng unang minahal ni Richard ay may mas malalim na dahilan kaya niya ito iniwan. Nagkaroon kasi ito ng komplikasyon sa puso na hindi na kayang gamutin ng kahit na ano pa mang operasiyon o gamot.

Sa takot niyang baka masaktan si Richard at hindi na muli maging masaya. Iniwan niya ito upang makahanap ng ibang babaeng kanyang mamahalin.

Masakit para sa kanyang sitwasiyon na iwan ang lalaking kanyang minahal. Na umabot pa sa puntong kailangan nitong magpakalayo layo upang hindi na siya hanapin ng binata.

Sa tagal ng kanyang pagtatago, lumitaw ito hindi para muling makasama si Richard, kundi para magpaalam at magpasalamat dahil nakahanap siya ng babaeng kanyang makakasama pang habang buhay.

F L A S H B A C K

4 years ago...
(2 weeks after Miriana left)


Paalis pa lang si Richard para sana pumunta sa mansyon ng mga Fournier ng may isang sasakyan ang dumating sa harap ng kanilang bahay. Noong una'y umasa siyang si Miriana ito ngunit nabigla siya sa kanyang nakita.

"Alice."

Mahina na ito na sinakay nila sa wheel chair. May nakakabit din sa kanyang dextrose at oxygen. Ang katawan niya ay sobrang payat na halos nakikita na ang buto nito sa kanyang balat.

"Richard! Nakalimutan mo ang..." hindi na natuloy ng ina ni Richard ang kanyang sinasabi nang makita ang dalaga.

Nabitawan pa nito ang kanyang hawak na gulat na nakatingin dito. Naging malapit din sila ni Alice noong sila pa ng kanyang anak. Kaya ang makita nito ang kanyang kalagayan ay nagpasimula sa kanyang makaramdam ng awa at sakit.

"Pwede ba tayong mag-usap?" mahinang pakiusap nito kay Richard na walang isip-isip na tumango.

Tinulak siya ng nurse na kasama niya papasok sa bahay kung saan dumiretso sila sa garden. Ang ina naman ni Richard ay nagprisintang gumawa ng pagkain para sa kanila.

"Anong nangyari sa'yo?" kunot noong tanong ng binata na patuloy siyang pinagmamasdan. Hindi pa rin kasi ito makapaniwala na makita ang kanyang kalagayan.

"Sabihin na lang nating minalas ako." Tumawa pa ito ng mahina na kalauna'y tinigil niya dahil baka mawalan na naman siya ng hininga.

"Una sa lahat, patawad sa mga nasabi ko sa'yo noon. Alam kong nasaktan ka pero masaya ako dahil nakahanap ka ng babaeng muling mamahalin mo. Kaya tahimik na akong pwedeng magpaalam sa mundong ito. Hindi ko nga lang alam kung tatanggapin ako sa langit." Napapikit siya sandali sa haba ng sinabi nito.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon