46- Promise

215 14 0
                                    

"Miriana!" patakbong sigaw ni Richard ng makita akong papasok ng penthouse.

Nakita ko sila Mavi na nasa likuran niya at mukhang nag-aalala.

"Akala ko nawala ka na," nakayakap niyang sabi na tinanguan ko lang.

"Sorry, pinag-alala kita." Pagkakalas ko ng yakap, sumalubong sa'kin ang mapanuring mata ni Ate Remi.

Kung akala niya'y iiwasan ko ang titig niya, nakipagtitigan ako sa kanya pabalik na nagpagulat dito ng kaunti.

"Saan ka ba pumunta?" tanong ni Richard.

Imbis na sagutin, hinawakan ko siya sa kamay. "Mamaya na lang tayo mag-usap, pagod ako. Mauuna na ako sa kwarto." Paalam ko rito, pilit na ngiti pa ang binigay ko kayla Mavi na halata sa mga mukha nila ang mga katanungang hindi ko pa masasagot ngayon. Napagod ako kaya kailangan ko ng pahinga.

"Samahan na kita," sabi ni Richard na hinayaan ko lamang.

Inalalayan niya pa ako papunta sa kwarto. Tahimik man kaming dalawa, alam kong kating kati na siyang tanungin ako.

"Kumain ka na ba?" muling tanong nito pagdating namin sa kwarto.

Umupo muna ako sa kama bago siya tignan. Kahit saang anggulo ako tumingin, hindi ko pa rin kayang magalit ng buo sa kanya.

"Ipagluluto kita kung hindi ka pa kumakain. Hintayin mo ako rit--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita ng hilain ko ito paupo sa tabi ko. Pinulupot ko ang kamay ko sa kanya bago isiksik ang aking sarili sa kanyang bisig.

"I love you Richard. I love you..." bulong ko.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang aking luha. Kusa rin akong napangiti ng yakapin niya ako pabalik.

"I love you more Miriana." Hinalikan niya ako sa aking buhok kaya humigpit ang yakap ko sa kanya.

Ilang minuto rin ang nagtagal bago ko mapagdesisyunang kumalas sa yakap.
"Nababaliw na ata ako," natatawa kong sabi habang nakatitig sa kanya. Natigil lang ako sa pagtawa ng haplusin niya ang kanan kong pisngi.

How can I hate this man if after these last few years, all he wants for me is my safety and happiness? I may be losing my trust, but my love towards him is growing so fast that I am afraid to lose him like how scared he is when I'm not around.

Lumapit ako sa kanya para siya'y pagmasdan ng maigi. Siya ang pangalawang naging kaibigan ko magmula ng mag-isa ako sa buhay bukod kay Dale. Nakita ko kung paano siya magmahal. Lahat binibigay niya para sa babaeng mahal niya.

Bakit nga ba ngayon lang ako nahulog sa lalaking ito? Bakit hindi pa noon?

"Bakit nga ba hindi ko nakita sa mga mata mo kung gaano mo ako kamahal?" wala sa sarili kong tanong.

"Miriana..."

Napapikit ako saglit ng tawagin niya ang aking pangalan. Para bang isang musika sa aking pandinig ang pagtawag niya rito. Musikang gusto kong mapakinggan hanggang sa huli kong hininga.

"Pero hindi na mahalaga 'yun dahil nandito ka... sa tabi ko."

Katulad ng nakatatak sa utak ko bago kami bumalik dito sa Pilipinas. Ayokong makita siyang masaktan, kahit ako na lang 'wag lang siya. Kaya kong kalimutan ang lahat kung sakaling may maalala nga akong pwedeng ikasira ng pagsasama namin. Dahil ganito ko na siya kamahal, ganito ko na kamahal ang isang Richard Lewis na noo'y kaibigan ko lamang.

"I'll protect you big Daddy," huli kong sabi bago alisin ang espasyong nasa pagitan naming dalawa.

Author's POV.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon