11-The answer

578 18 0
                                    

"Hoy babae buksan mo ang pinto!" sigaw ni Dale mula sa labas ng kwarto. Unti na lang masisira na ang pinto sa pagkatok na ginagawa nito.

Akala ko ba binabae siya? Makakatok parang daig pa ang may malaking katawan na lalaki.

Pinalakasan ko ang volume ng suot kong earphones at piniling ituon ang aking sarili sa ginagawa ko. Marami pa akong due this week kaya 'wag nila akong guluhin.

"Tumayo ka diyan!"

Napaamang ako sa malakas na sigaw ni Dale at sa pagtapon nito sa phone ko papunta sa sulok. Nagtaka rin ako kung paano siya nakapasok kaya agad kong tinignan ang pinto.

Sira ang doorknob nito pati na rin ang gilid na bahagi.

"Kainis naman Dale! 'Wag mo akong kaladkarin!" angil ko.

Tinulak niya ako papunta sa sofa na nagpaupo sa'kin. Nakita ko pa si Richard na suot pa rin ang apron mula pa kanina.

Wala bang pakiramdam ang mga taong ito? O sadyang nagma-maang maangan sila? Lalo na ang isa sa kanila na ang kapal ng mukha para magpakita sa harapan ko.

"O ngayong nandito na kayong dalawa, magbati na kayo. "

Nakapameywang siya sa harapan namin na parang isang ina na pingababati ang dalawa niyang anak.

Napakagaling talaga ni Dale, noh? Proud of him. So PROUD.

"Umalis na kayo, marami pa akong gagawin," pagtataray kong tugon.

Wala akong balak makipagbati sa lalaking 'yan. WALA. Not until napagbabayaran niya ang mga sinabi niya sa'kin.

"Miriana 'wag matigas ang ulo," nagbabanta nitong sabi.

May hawak siyang stick na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Huwag niya sabihing ihahampas niya 'yan sa'kin? Kasi hindi ako magdadalawang isip na hampasin din siya pabalik.

"Hindi mo siya matatakot sa mga paganyan ganyan mo Dale," sabat na sabi ni Richard.

Let me change that, jerk. Serves him right. Mas bagay sa kanya ang pangalan na 'yan.

Sinamaan siya ng tingin ni Dale. "Tumahimik ka diyan Richard! Dali na at magbati kayo! Mga isip bata."

"Kung ayaw niyong umalis. Ako na lang," mahina kong sabi na sapat na para marinig nila.

Mas maiging umalis na lang ako rito. Hindi ko tanggap ang nangyari sa pagitan namin kaya wala akong balak ayusin ang away na meron kami.

"Upo," may awtoridad na sabi ni Dale, hinarangan niya ang daan ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Umalis ka sa daan ko."

Sa gilid ng aking mata, nakita ko ang pagtayo ni Richard. Mukhang naalarma ito pero wala akong pakialam. Siya ang may kasalanan kung sakaling nagkainitan kami ni Dale.

"Pano kung ayaw ko?" nagbabantang tanong ni Dale.

Sa pagkakataong ito, hindi na matinis ang boses niya na lagi kong naririnig. Sumeryoso ito at naging boses lalaki.

"Tama na 'yan. Dale... ako na ang kakausap kay Miriana."

Malayo ako kay Dale sa paghila ni Richard na agad kong inalis. Tinulak ko siya papunta sa gilid kaya kinuha kong tiyansang 'yon para lumabas ng bahay.

Rinig ko ang pagsigaw ni Dale pero hindi ko 'yun pinansin at lumabas pa rin.

"Kainis naman!" inis kong sigaw ng maalis ang isang pares ng tsinelas ko.

Napakagaling ng timing, dinaig ko pa si cinderella na hinahabol ang oras. Hindi ko binalak balikan ang tsinelas at nagtuloy tuloy sa paglakad.

Kung saan ako pupunta? 'Yun ang hindi ko alam.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon