15-3 days with Him

493 14 0
                                    

Mas lalo akong nagi-guilty ng tumawag kanina sa'kin si Dale, sinasabing kasama niya sila Liana. Sayang daw dahil hindi ako kasama, kung tama ang pagkakarinig ko nasa Nacpan beach sila ngayon.

Nalaman niya kasing nandoon ang favorite model niya from Paris para mag-shooting kaya wala na siyang inisip pa kung saang beach sila pupunta. Automatic ng doon sila dideretso, gagawin ni Dale ang lahat makita lang ng harapan ang model na 'yun.

I can't even imagine how happy he is right now. Sorry Dale for lying.

"Good morning ma'am and sir," bungad na sabi ng isang flight attendant na lumapit sa'min pagbaba pa lang namin ng kotse.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, nahihiya kasi akong magtanong pero sinabi niya sa'kin na pupunta kami sa isang private island around Palawan. Maraming island sa Palawan na napuntahan ko na pero hindi ako sigurado kung saan doon.

Sinabi niya rin sa'kin na unti lang ang dalhin ko para hindi ako mabigatan. Sinunod ko naman siya ang kaso... mukhang nagkamali ako ng desisyon.

Alam kong tatlong araw lang kami roon, but this is my first time being with him in a vacation. I want to look good at least.

"Your private pilot is waiting, this way, please."

Napatingin ako kay Castriel na naka-shades ngayon. Dahil sa shades niya, hindi ko makita kung anong reaksyon niya ng tumingin ako sa kanya. Hinawakan niya lang ang kamay ko saka ngumiti.

Magtatanong pa sana ako pero hinila na niya ako pasunod sa flight attendant kasama ang ilang taong dala-dala ang mga gamit namin.

Dumiretso kami sa private part ng airport kung saan kami lang ang taong dumadaan doon. Nagulat pa ako ng pagdating namin sa runway, una kong nakita ang nag-iisang jet plane na mukhang kami ang hinihintay.

Alam kong may kaya si Castriel dahil na rin sa mga mamahalin niyang suot kapag nakikita namin siya sa school. Pero hindi ko inaasahamg ganito siya kayaman to think na he's a professor.

Katulad niya ba sila Dale? I've been in a private jet for how many times kaya hindi na bago ito sa'kin. Sadyang nagulat lang ako.

"Have a safe flight," nakangiting sabi ng flight attendant paghatid niya sa'min.

Akala ko siya ang magiging flight attendant namin pero dahil umalis siya, mukhang magkaiba.

Palapit kami ng palapit sa plane, nakikita ko na ang hindi kahabaang red carpet na nakalatag sa mismong pasukan nito. Oo nakasakay na ako ng private jet, pero this is my first time seeing a red carpet.

"Mr. Yvañez," nakangiting tawag ng isang lalaking sumalubong sa'min.

Mukhang siya ang pilot dahil sa uniform nito, katabi niya ang isang flight attendant na nakangiti rin sa amin.

"Frederick, nakahanda na ba ang lahat?"

"Yes sir, siniguro po namin."

"Kung ganun tara na, para makapagpahinga kami pagdating doon."

Hindi ako sigurado kung ano ang sinasabi nilang nakahanda. Pero hindi na lang ako nagtanong dahil mukhang mahilig sa surpresa itong si Castriel.

Nanguna sa'min ang flight attendant na sinundan namin. Hawak pa rin ni Castriel ang kamay kong mukhang ayaw niyang bitawan. Nang dumaan kami sa red carpet, feeling ko isa kaming importanteng tao.

Hindi ba mga royals or presidente ang nilalatagan nila ng red carpet? I forgot, even billionares.

"Castriel..."

"Nagustuhan mo ba?"

Pink and white petals are on the floor guiding me and Castriel to our seats. The table in front of our seat has a flower but it is inside of a velvet box like the one he had given me at the restaurant, but this time it is much larger. There is also champagne and two glasses of wine. Balloons are everywhere but it is not overwhelming.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon