21-Bring him back

365 18 0
                                    

"Make sure na nakahanda na ang mga kakailanganin ng company. Pwede ka nilang i-interview sa given date na nakalagay diyan."

Kinuha ko ang recommendation paper na inaabot nito saka ngumiti. "Thank you po ma'am."

Paglabas ko sa office, nilagay ko sa bag ang paper saka tinext si Dale na pabalik na ako. Magkasama sila ni Ate, magkaiba kasi kami ng company ni Dale kaya mas nahuli akong kunin ang paper na kailangan kong ibigay.

"Anak ka ng---!"

"Sorry, nagulat ba kita?" paumanhin ni Castriel ng itulak ko ito.

Napalinga ako agad sa paligid para tignan kung may iba bang tao. Niyakap kasi ako nito mula sa'king likuran na kinagulat ko.

"Kanina ka pa nandyan?" casual kong tanong habang patuloy na tinitignan kung may iba pa bang nakakita. Mahirap na.

"Hindi naman. Sorry for that, hindi ko sinasadya." Lumapit pa siya sa'kin at hinawakan ang baba ko na mabilis kong inalis.

"What are you doing? Nasa school tayo."

Ngumiti siya at natawa. Pinagmasdan ko ang paraan ng pagtawa niya. Bakit pakiramdam ko kakaiba ito ngayon?

"Chill, Miriana, walang makakakita sa'tin. Besides... you are so cute with that surprised face. By the way, saan ka pupunta?"

Hindi ako nagsalita, pinagmasdan ko pa rin siya. I know something is wrong, I just couldn't figure it out. He has a weird vibe, that is not at all familiar to me.

"Miriana!"

Natigil ang pagtitig ko sa kanya ng marinig ang boses ni Dale.

"I think you're busy, maybe I'll visit you later, okay? See you Miriana." He winked at me which makes him more weirder.

Anong nangyayari sa kanya?

"Anong pinag-usapan niyo ni sir?" tanong sa'kin ni Dale paglapit nito.

Pinanood kong maglakad si Castriel palayo, alam kong may mali. Maling mali.

"Huy!"

"Huh?"

Umiling siya sa'kin. "Tara na nga lang." Hinila na niya ako paalis doon kaya naalis na rin ang tingin ko kay Castriel.

Ayos lang ba siya?

▪▪▪

Hindi ko pa man nasasagot ang tanong ko sa taong nag-text sa'kin, may dumating na naman. Isa na roon ang kilos ni Castriel kanina.

Sa totoo lang, gusto ko siyang tanungin kung may nakaaway ba siya. Kasi baka sinisiraan lang siya, hindi ko pa man kilala si Castriel ng maigi. Pero parang napakalabo namang kaya niya akong patayin.

For what reason?

"Diba Miriana?"

Tumango ako. Patuloy lang ako sa pag-inom ng shake, nagpapakalma para makapag-isip ng maayos. Kakatapos lang ng exam kaya kailangan ko ng fresh na utak sa interview.

Halos mapatalon ako nang may humampas ng mesa. Nang tignan ko kung sino 'yun, si Ate Remi pala. Singkit ang mata nito na nakatingin sa'kin.

"Bangag ka ba?" tanong nito.

Sumandal ako sa upuan. "Kinda."

Pumalakpak siya sa sagot ko. "Tapos na ang exam pero lutang ka pa rin? Ano bang iniisip mo para um-oo kang pakasalan si Richard ngayon dun sa Italy?"

Ah... 'yun ba ang tinanguan ko?

"Baka bagsak siya," nakakalokong sabi ni Dale.

Nahiya ako sa kanyang walang masagot sa exam kanina.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon