49- The lost Memories

262 11 0
                                    

Miriana's POV.

"Miriana buksan mo ang pinto." Katok ni Richard mula sa labas.

Hindi ko siya pinakinggan at hinayaang naka-lock ito. Lahat ng ginawa ko kanina, lahat ng 'yun aking naaalala. Marami akong nasaktan at isa na roon si Dale na natatakot akong tignan.

Patuloy kong inuuntog ang aking ulo sa pader para kahit papaano'y mawala ang ala-alang 'yon. At sa unang pagkakataon, gusto ko na lamang na walang maalala katulad ng pagkawala ng ilan kong ala-ala na patuloy kong hinahanap hanap.

"Miriana!" sigaw ni Richard na nakapasok na pala.

Nilagay niya ang kanyang kamay sa pader kaya roon tumama ang aking ulo. Pinaharap niya pa ako sa kanya para patigilin. Masakit ang ulo ko sa kanina ko pang pag-untog dito.

Alam ko ring may sugat na ako sa sarili kong kagagawan ngunit anong magagawa ko? Parang pinatunayan ko sa kanila na katulad ko ang sarili kong ina na mamamatay tao.

"Ano bang ginagawa mo?!" galit niyang tanong. Hinila niya ako pabalik sa kama kung saan naghihintay ang isang doktor at ilang nurse.

Nakita ko rin si Ate Remi na nakatingin lang sa'kin. May benda sa paa niya kaya agad kong nilipat ang aking atensyon sa kawalan. Hindi ko kayang tignan ng matagal ang mga taong nasaktan ko. Kung bakit naman kasi hinayaan kong kusang kontrolin ng aking katawan ang buo kong sistema.

"Salamat po." Rinig kong pasasalamat ni Richard sa gumamot sa'kin.

Umalis sila ng hindi ako nakakausap hanggang sa kami-kami na lang ang natira sa silid. Here I am again... in a hospital because of that damn guy.

"Miriana," tawag ni Ate Remi sa pangalan ko.

Hindi ko inaasahang siya ang magtatawag sa'kin. Umiiwas ako pero sila itong pilit na lumalapit.

Nakakainis man... wala akong magagawa.

"Laisse moi seul."

Isa pa ito, kusa na lang ako nagsasalita ng ibang salita. Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng salita ito ngunit hinahayaan ko na lamang. Baka sakaling makatulong sa'kin para makaalala.

Hinawakan ni Richard ang kamay ko kaya nag-iwan ako ng isang malakas na buntong hininga. Hindi ko rin naman gusto ang nangyari.

Sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa kadahilanang hindi ko alam kung paano ko 'yun nagawa. Gusto kong tumakbo papunta sa sarili kong ina para magtanong. Ngunit mas nangingibabaw ang takot na baka may mali sa'kin. Na baka sa oras na maulit ang nangyari, makapatay na talaga ako ng ibang tao.

At 'yun... 'yun ang ayaw kong mangyari.

"I'm sorry," nakayuko kong tugon.

Sa lahat ng naiisip ko, dalawang salita lamang ang lumabas sa aking bibig.

"I'm sorry... wala ako sa sarili."

Kung papipiliin ako, ayoko muna sanang pag-usapan ang nangyari. Magulo, magulo na naman ang isipan ko.

Bakit ba sa tuwing may masayang mangyayari sa'kin, kinabukasan o dikaya makalawa, may masama namang eksenang dadating?

Hindi pa ba nauubos ang mga bagong pangyayaring mararanasan ko? Hanggang kailan pa ba ako magiging ganito?

Dapat ba... dapat ba nanatili na lang ako sa Canada kasama si Richard?

Marami... marami akong katanungan. Ngunit iisa lang ang magiging sagot, 'yun ay ang maibalik lahat ng aking ala-ala.

"Wala ka dapat ikahingi ng tawad, buhay pa naman kami kaya--" hindi na natapos ni Ate Remi ang kanyang sasabihin ng siguro'y may pumigil sa kanya.

Natawa ako ng mapait. "Nasaktan ko kayo at muntik ko ng mapatay si Dale. Nakasakit din ako ng ibang tao. Hindi ko ba talaga kailangang humingi ng tawad? Kung sarili ko mismo hindi ko na kilala? Pwede akong makulong sa ginawa ko, pero heto ako't nasa loob na naman ng hospital. Kaya sabihin niyo, kailangan ko bang mapunta ulit sa isang aksidente para makalimot? Kasi kung ako ang tatanungin... mas pipiliin kong ganun na nga lang. Mas pipiliin ko pang maaksidente ulit para hindi ako makaramdam ng matinding pagsisisi sa tuwing nakikita ko kayo," mahaba kong tugon na nagpatahimik sa kanila.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon