36- Dance with Him

266 14 0
                                    

"Bakit?" may kaunting ilang kong tanong kay Richard na nakatitig pa rin sa akin.

Matapos niyang mag-propose, hinila na niya ako paalis doon. Hindi naman ako umayaw dahil kahit saan niya ako ipunta, ayos lang basta kasama ko siya.

Natatawa lang ako dahil saglitan ko lang nakita ang kabuuan ng resto na hinanda niya. Nandoon ang magulang niya, sila Dale kasama ang mga malalapit naming kaibigan. At kung tama ang huling rinig ko, tinawag pa ako ni Tita. Pero dahil suwail itong si Richard, hindi na niya hinayaang makausap ako ng iba. Dahil ngayon, gusto niyang ma-solo ako.

"You look more beautiful with your new look."

Isang ngiti ang sagot ko rito. Sa tuwing kino-compliment niya ako, hindi ako makatigil ngumiti.

"You too."

Pinasadahan ko ng aking daliri ang labi niya bago ipagpatuloy ang pag-inom ng wine. Nandito kami ngayon sa pinakataas na bahagi ng isang hotel. Pina-reserve niya ito para sa'ming dalawa.

"Stop. You might get drunk." Pang-aagaw nito sa wine glass na hawak ko. Binaba niya ito sa mesa saka tumayo, nilahad nito ang kamay niya na nagpa-angat ng aking tingin.

"Let's dance." Pag-aaya niya.

"Pero walang music."

"Kailangan pa ba ng music para sumayaw?"

Well... tama nga naman siya. Inayos ko muna ang laylayan ng dress ko bago tanggapin ang kamay nitong nakalahad. Dinala niya ako sa balkonahe ng aming kwarto kung saan marahang yumakap sa'kin ang hangin.

Malamig ito ngunit dahil kay Richard, unti-unting nawala ang lamig na sumalubong sa aming dalawa.

Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya habang siya'y nilagay ang dalawa niyang kamay sa aking bewang. Nagsimula kaming magsayaw kahit na walang tugtog. Nakatitig lamang sa isa't isa na kumukumpleto ng lahat.

"Bakit nga pala tayo umalis agad doon? Sayang naman ang effort na ginawa mo sa venue," tanong ko kahit nagbigay na niya ang sagot dito.

"Dahil gusto kong ako lang ang tititig sa'yo ngayong gabi. Maraming lalaki roon, ayokong titigan ka nila."

Ngumisi ako't nilapit ang aking sarili sa kanya. "Kung ganun, magsawa ka dahil pagkatapos ng kasal. Sa'yong sa'yo na ako," mapang-akit kong sabi na nagpalunok sa kanya.

Am I seducing him a lot?

"Stop making a move small Mommy, I'll surely eat my dessert if you keep seducing me."

Mahinang hagikgik ang iniwan ko na nagpatigil sa pagsayaw naming dalawa. Seryoso siyang tumitig sa'kin na puno ng pagnanasa ngunit alam kong nilalabanan niya ito.

Sinuklay ko ang kamay ko sa buhok niya saka inalis ang maliit na distansya sa pagitan namin. Nilapit ko ang aking mukha sa tenga nito para bumulong.

"So... why don't you give it a try? Try eating the dessert that was served to you?"

"Miriana. Stop."

Hindi ko alam kung dahil ba sa wine na ininom ko kaya malakas ang loob kong akitin siya. All I want is to make fun of him, but deep down I want more.

Damn... I'm going crazy just by thinking about it.

Sa paggalaw ko ng aking ulo, hinarap ko ang kanyang leeg na hindi natatakpan ng suot niyang polo. Sinimulan ko itong halikan na nagpainit ng buo kong katawan.

"Fuck, Miriana." Humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko kaya pinagpatuloy ko ang aking paghalik.

The smell of his perfume really turns me on. I hear him moan when I start to bite and lick a part of his neck. I don't know what I'm doing but I will let my body guide me.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon