Special Chapter

514 13 2
                                    

Riel Berkshire

Author's POV.

"Hi Riel," bati ng isang ginang sa batang lalaki na naglalaro sa duyan.

Napahinto ito para tingalain ang babae na may magagandang ngiti. Mahaba ang buhok nito na may kulay itim na asul sa ilang hibla ng kanyang buhok na mapapansin sa tuwing maiilawan ng araw.

"Hello po," magalang niyang bati na mas nagpangiti sa ginang. Sa hindi malamang dahilan, kusang napangiti si Riel.

"Gusto mo bang sumama sa'kin?"
Umupo sa katabing duyan ang ginang, ganun din ang ginawa ng bata na nagsimulang iduyan ang kanyang sarili.

"Saan po tayo pupunta?" inosenteng sagot nito.

"Sa bahay ko sa America, marami akong laruan doon. At higit sa lahat, maraming mag-aalaga sayo sa bahay ko."

Napahinto sa pagduyan ang bata. "Pwede po bang sumama si Castriel?" pagtutukoy nito sa kaibigan niyang hindi nalalayo ang pangalan nila sa isa't isa.

Umiling ang ginang at umalis sa pagkakaupo nito sa duyan. Tinapatan niya ang bata sa pag-upo nito sa kanyang harapan. "Hindi pwede Riel. Dahil ikaw lang ang gusto kong ampunin."

Nalungkot ang bata sa kanyang narinig. Gusto niyang isama si Castriel dahil siya lang ang nakakaintindi sa kanya. Ngunit kahit na ngayon niya lang nakita ang ginang, gusto niyang sumama rito kaya napaisip siya.

Kung papayag siya, makakasama niya ang ginang sa lugar na sinabi nito. Kung sasagot siya ng hindi makakasama naman niya si Castriel.

"Ganito... kapag pumayag ang asawa kong mag-ampon ng isa pa. Si Castriel ang isusunod kong ampunin."

Umaliwalas bigla ang mukha ni Riel ng marinig ang sinabi ng ginang.

"Sige po! Sasama po ako sa inyo!"

▪▪▪

"Welcome to our home Riel."

Namangha ang bata ng makapasok sa napakalaking bahay na ngayon niya lang nakita. Mas malaki pa ito kumpara sa bahay ampunan na kinalakihan nito.

"Welcome home, Mr. Riel Berkshire," bati ng mga katulong sa gilid.
Sa bawat pagdaan niya sa mga katulong, isa-isa itong yumuyuko sa kanila na ikinatuwa ng bata.

Magagara ang mga gamit sa paligid na nakikita ng bata. At pakiramdam niya siya na ang pinaka-swerteng bata sa buong mundo. May isip mang bata si Riel, hindi nun maaalis na may mga alam na ito sa ibang bagay.

Bilang isang batang nakatira sa bahay ampunan na walang magulang. Natutunan niyang mag-isip ng mga bagay na makakatulong sa kanya upang siya'y mabuhay mag-isa sa oras na walang umampon sa kanya. O dikaya'y paalisin siya sa ampunan kahit na mababait ang mga nag-aalaga sa mga ito.

Marami siyang pangarap sa buhay at mukhang ngayon ay matutupad na ito.

"Wow..." mangha na naman nitong saad ng dumiretso sila sa magiging kwarto niya.

Maraming laruan sa isang gilid, napakalaking kama, may isang computer set sa study table, malaking t.v, at kahit refrigerator na may lamang pagkain ay mayroon sa napakalaking kwarto nito.

"Nagustuhan mo ba Riel?" tanong ng ginang na tinanguan niya bilang tugon.

"Gustong gusto po."

"Kung ganun, magmula ngayon mommy na ang itatawag mo sa'kin, okay?"

Tiningala ni Riel ang ginang saka nginitian bilang sagot.  "Yes mommy."

"Very good, sige rito ka muna may aasikasuhin lang ako. Oliver... please take care of my son," pagsasabi ng ginang sa lalaking naka-suit at nakatayo lang sa gilid.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon