34- The First Fight

301 14 1
                                    

"Wala ka pang balak umuwi?" tanong ni Mavi na kasama ko ngayon.

Mavi Vasquez, isa sa mga kakilala nila Richard. Ate Remi introduced her to me bago kami pumunta sa Canada para mag-settle for good.

Noong una ko siyang nakita, ewan ko pero nagkaroon ako ng feeling na parang kilala ko siya. Tinanong ko pa sila kung nakilala ko ba siya bago ako maaksidente.

Gladly yes. Pero hindi nila ipinaliwanag ng buo, hindi ko na rin inaalam dahil magaan naman ang pakiramdam ko sa kanya. Then 'yun, hanggang sa naging close kami.

"Mamaya pa." Sumandal ako sa upuan at bagot na tumingin sa labas ng malaking salaming nasa gilid ko lamang.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop slash library na pagmamay-ari niya. Kaya heto ako't um-order ng ilang kape. Bahala na kung niyerbyusin at mag-palpitate ako mamaya, ako na ang mamomroblema nun kapag hindi ako nakatulog.

"Mamaya pa. 10 pm na Miriana, paniguradong nag-aalala na sa'yo ang boyfriend mo."

"'Wag mo akong gawing tanga, alam kong pinaalam mong nandito ako. Isa pa... kahit magtago siya sa dilim kitang kita ko ang kotse niya."

Magmula ng dumating ako rito alam kong ang kotseng itim na nasa gilid ng malaking puno ay kanya. Hindi ko lang pinansin dahil ayoko pa siyang kausapin. Ang pinagtataka ko lang ay ang hindi nito paglapit sa'kin.

"Alam mo naman pala. Puntahan mo na, kanina pa siya naghihintay sa'yo."

Inalis ko ang aking tingin sa kotse. Kinuha ko rin ang iced coffee na iinimunin ko sana pero inagaw niya ito agad.

"Tama na ang pagkakape, baka magpalpitate ka't pagalitan ako nila Richard. Bibigyan kita ng limang minuto, kapag hindi mo pa siya pinuntahan sasabihin ko sa kanyang delikado ang lagay mo dahil sa kape. Oh, ito na lang ang inumin mo." Tinulak niya ang tubig na dala niya kanina bago umupo. Naglakad na siya palayo sa'kin kaya nagpahalumbaba ako sa mesa.

"Pupuntahan ko? Hindi ko pupuntahan?" Napabuntong hininga ako sa iniisip ko.

Saglitang tinignan ko ang kotse niya sa labas bago tumayo para kumuha ng librong pwedeng iuwi. Papayagan naman ako ni Mavi na kumuha ng libro rito parang dati.

Huminto muna ako sa isang shelf na puno ng libro na tungkol sa business. May specific book akong hinanap pero hanggang ngayon hindi ko makita-kita. Pano ba naman... masyadong sikat ang author na 'yun kaya laging sold out ang libro. Bago lang din kaya wala pa ganoon sa mga library ngayon.

Paglapat ng aking tingin sa parte ng shelf na walang libro, nakita ko si Richard na nakatitig lang sa akin. Kumuha ako ng libro na pinantakip sa butas. Imbis na dire-diretso akong maglakad, lumiko ako sa kanan para iwasan siya.

"Mag-usap tayo."

Hindi naman halatang ang bilis niyang alamin kung saan ako pupunta. Bago ko pa man siya talikuran, pinigilan na niya ako sa paghawak niya sa kamay ko.

"Please, Miriana mag-usap tayo. Ayoko ng ganito."

Blankong tingin ang ipinukol ko sa kanya. Sino ba naman kasi ang may gusto nito diba? Kahit naman ako ayokong mag-away kami ng ganito.

"May sagot ka na ba sa tanong ko para kausapin kita?" Humalukipkip ako sa harap niya, hinihintay na makakuha ng kahit isang sagot na tutugma sa aking katanungan.

"Katulad ng sinabi ko... makakasama lang sa'yo ang mga ala-alang 'yun kapag aalalahanin mo pa."

"Sinabi niyo sa akin na simpleng aksidente lang 'yon. Kaya paanong makakasama ito sa akin?"

Napasuklay siya sa buhok niya.

You can't lie to me Richard, I know you very well.

"'Wag na lang nating pag-usapan ito. Umuwi na tayo."

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon